Posts

Showing posts from 2012

Minsang ipinikit ang mata...

Image
Minsang ipinikit ang mga mata, hindi para mag-isip, kundi para bigyan ng kulay ang kapaligiran. Minsang ipinikit ang mata hindi para mag-isip, kundi para makita ang di tanaw ng nakamulat na mata. Minsang ipinikit ang mata, hindi para mag-isip, kundi para makapiling ang mga mahal na wala na. Minsang ipinikit ang mga mata, hindi para mag-isip, kundi para marating ang nais puntahan. Minsang ipinikit ang mata, hindi para mag-isip, kundi para maramdaman ang ginhawa na dulot ng buhay. Minsang ipinikit ang mata, para mag-isip, kung kelan tuluyang ipipikit yaring aking mga mata.

Trabaho lang, walang okrayan :D

Image

May isang Ina...

Image
May isang ina, tawagin natin syang Lu, at ang anak nyang babae na si Maria... Mahal na mahal ni Lu ang anak nyang si Maria, palibhasa panganay ito. Lagi nyang dinadala si Maria sa doktor, sa katunayan nga e, buwan buwan nya tong pinatitignan. Wala namang sakit si Maria, pero gusto nya to alagaan ng husto. Binibigyan nya si Maria ng dekalidad na bitamina at masusustansyang pagkain. Sa gabi bago matulog kinukwentuhan ni Lu si Maria at kinakantahan pa nga nya ito. Maraming pangarap si Lu sa anak nya, gusto nya itong lumaki ng malusog at maging masaya. Medyo malikot si Maria, isang araw nga dahil sa kalikutan nito, pareho silang nadulas sa banyo, pero ok lang naman. Habang lumalaki si Maria, lalo syang napapamahal kay Lu, binibilan pa sya ng magagandang damit at laruan. Pero isang araw, itinakbo sya ni Maria sa hospital, di na sya gumalaw at di na rin tumitibok ang puso nya. Sa sobrang pagkabigla, halos di makakibo si Lu sa nangyari. Di nya alam kung ano nangyari, sa katunayan si

Sakay tayo sa bus :)

Image
Ito ang bus na kung tawagin ay JD transit. Paborito ko tong sakyan nung nagaaral pa ako sa MCU sa Caloocan. Medyo mabagal nga lang, pero pakiramdam ko safe ako sa bus na to, na gawa sa lawanit! hahahaha...pag umuulan at nagsara ka ng bintana, sooooobrang init!!!! At ung mga uniform ng mga kundoktora ay kulay pink na super tigas kasi laging naka-almirol, bawal daw magusot. Pag umuuwi ako galing sa MCU, humihinto sila sa may bagong barrio yata un para magpacheck ng ticket. Tigas pa ng upuan! hahahaha... Ito naman ang love bus, wow sosyal to kasi aircon, di ka pagpapawisan, Kaya love bus ang tawag dito kasi puro dalawahan lang ang upuan, at malambot syempre. Nakalimutan ko na kung san ang byahe nito, pero sa pagkakatanda ko dumadaan to ng espanya e, pero ewan ko lang ha, basta nakakarating to sa AliMall, wow hahahahaha!...tsaka nakalimutan ko na din kung sino kasama kong sumasakay dito...hehe....kaya lang nung naluma na, ginamit na service ng MMDA. :( Ito pa mas sos

Isang maulan na araw

Image
Maaga pa lang lumabas na sya ng bahay, sa sobrang pagkabagot at pagkainis. Dala nya lang e payong na pula, dahil maulan, actually malakas ang ulan. Wala syang pakialam kung ano pa ang suot nya, basta makaalis lang, kaso wala naman syang dalang pera, san naman sya makakarating, "hai bahala na!" yan ang sabi nya, basta kahit isang araw man lang makawala sya sa sobrang pagod sa buhay nya. Palipat lipat na sya ng bus at jeep, hanggang sa maisipan nya sumakay ng MRT, kasi di talaga nya alam kung saan sya pupunta. Palinga-linga sa loob ng tren, nang biglang nag-iba ang tingin nya sa paligid, parang lumabo lahat ng nasa paligid nya at may humaltak sa kamay nya, Itinakbo sya nito habang ang paligid ay nagmukang hardin ng palasyo, isang malawak na hardin na halos di mo matanaw ang dulo nito. Nag-umpisang lumiwanag at sumikat ang araw, pero nakahawak pa rin sa kamay nya ang taong humaltak sa kanya. Tinignan nya to at kinilala..."sino ka ba?, kilala  ba kita?"...Tinitiga

Lalaki...sino? ako?!

Image
Kung mamatay ako at mabibigyan ng pagkakataon na mabuhay ulit, gusto ko sanang maging isang lalaki, ung tunay na lalaki ha. Pakiramdam ko kasi mas lalaki pa ako sa mga lalaki! hahahaha..lalaking iyakin!. Napatunayan ko na yan, hindi biro lang...sa totoo lang mahirap maging isang babae, opinyon ko lang naman yan. Para sa akin nahirapan ako dahil babae ako, sana ginawa na lang Nya akong lalaki... Nagtataka kasi ako kung bakit ako babae, tapos ipapagawa lang pala sa akin ang papel ng isang lalaki. Ung dadamdamin ko babae, pero kailangan ng tapang at tatag ng tulad ng sa lalaki. Utak daw ang pairalin at tigasan ang puso, palakasin ang mga braso at tibayan ang paninindigan...bumuhay ng pamilya at ibigay lahat ang lakas mo sa mga bagay na magpapatatag sa kanila. Nakakainggit sila!..ha ano daw?!...huh! kanino? hehe joke lang...wala naman dapat kaiinggitan...minsan pinagmamalaki ko pa na para akong lalaki...nakasanayan ko na yan...sanay na ako, kaya sana lalaki na lang ako...di ko kail

Ngiti lang... :)

Image
Alam nyo ba na maraming benipisyo ang pag ngiti? Una gaganda ka, muunat ang mga balat mo, at magmumukha kang bata, mukha ha, at di ang isip. Di rin matatakot ang mga tao sa yo, di tulad ng pag nakasimangot ka, di ka malapitan kala nila kakainin mo sila ng buhay. Nakakatanggal din ito ng stress, pag stress ka, nakikita kaya un sa mukha mo, para kang nilamukos na papel, pag nag smile ka kahit papano mababawasan stress mo di ba?. Ngumiti lang tayo kasi nakaka-boosts din ng immune system, masaya ka na iwas ka pa sa sipon at ubo...totoo yan, ang pag smile ay nakakapag release ng endorphins at natural pain killer, imagine natural drug pala ang pag ngiti di kailangan ng reseta.  Di naman nakakapagod ang pag ngiti, ewan ko lang ung mga adik magpa picture, he-he...Ang ganda siguro kung ang lahat ng makakaharap mo e nakangiti sa yo, tanggal ang problema, at pagod mo, di ba? Kaya wag natin kalimutang ngumiti, kahit di perpekto ang buhay, maraming mali at problema...makakapagbigay pa tayo ng

Palubog na araw...

Image
Palubog na ang araw ng buhay ko, sumikat na ba ito?...oo naman, maraming panahon din 'tong tirik at sobrang init. Akala ko di na ito lulubog, pero bakit? Gusto ko pa sanang humabol, marami pang kong kailangan gawin, maraming bagay pa ang kailangan ng liwang ng araw. Kailangan ko pa tong makuha, maalagaan at maitago. Pero bakit ganun?...bakit ngayon?...bakit di malaman ang dahilan, bakit di pa pwedeng dumilim? Di pa ko nakakarating sa pupuntahan pero parang gusto ko nang bumalik. Di ko pa napapatunayan, at di rin ako mapaniwalaan. Sana marami pang oras at panahon para magawa ko lahat ng dapat kong gawin.  Sa kabila ng paghina ng loob at paghina ng katawan, kawalan ng lakas, bakit ngayon pa? Parang di ko na kaya pang tumaggap ng anong klase pang sakit ng kalooban... Palubog na ang araw ng buhay ko, sana mapasikat ko pa ito ng konti, kahit konti lang, para magampanan ko ang nakatakdang hamon pa ng buhay ko...gusto ko pa itong magawa sa konting sinag pa ng araw. 

...colorful di ba?

Image
...dahil sa wala akong magawa. napagmasdan ko ung semento namin na puro krak...kinunan ko ng pic, tas ito na ang labas..ang resulta ng kabatuhan ko, colorful di ba? :D Minsan hindi lahat ng magandang nangyayari e galing sa maganda...kadalasan nga galing to sa pangit na karanasan sa buhay, at mula dito lumalakas ka, natututo at naisasaayos ang mga bagay-bagay para magkaron ng magandang resulta. Hindi ko sinabing sing bilis lang ng pag-gawa ko ng artwork na ito ang paglutas ng kahit na anong suliranin o problema, pero naniniwala ako na lahat ng problema e may solusyon, lahat ng lungkot e may katapat na saya...oo nga mahirap, madalas parang wala ng pag-asa, pero tulad ng artwork na ginawa ko, mula sa sementong malapit ng bumigay, e naging makulay pa ulit...

Kung pwede lang sana...

Image
Kung pwede lang sana, na di na bumangon; Kung pwede lang sana, na humilata na lang buong araw; Kung pwede lang sana, na hindi na mag-isip; Kung pwede lang sana, na hindi na mag-alala; Kung pwede lang sana, na hindi na mag-mahal; Kung pwede lang sana, na wala na lang problema; Kung pwede lang sana, na matapos na lahat; Kung pwede lang sana, na masabi mo lahat; Kung pwede lang sana, na umalis at tumakas; Kung pwede lang sana, na mawala na parang bula; Kung pwede lang sana, na maging malakas palagi; Kung pwede lang sana, na wala nang masasaktan; Kung pwede lang sana, na wala nang luha; Kung pwede lang sana, na manatli sa sarili kong mundo...dahil sa mundo ko, OK ako... Kung pwede lang sana... Lumulutang ang katauhan, sa lunod kong kaisipan;                    Bawat kampay ng mga kamay, pailalim ang hukay. ................................................................................................. :(

SELF MOTIVATION BY DONALD LATUMAHINA

Image
While surfing the net, nabasa ko to, at gusto ko tong i-reblog para sa inyo...ay di pala, para sa akin pala, Sobrang low na ang spirit ko nitong mga nakalipas na buwan. Time na siguro para mag-isip naman ng tama, at ganahan magtrabaho....pero!!! may pero pa talaga no?!...magsusulat pa din ako ng mga kwentong anik-anik...kasi aning-aning ako e! hahahaha...o eto na...(kailangan may picture pa talaga...hehe pagbigyan nyo na) SELF MOTIVATION: How To Motivate Yourself People who are unable to motivate themselves must be content with mediocrity, no matter how impressive their other talents.  Andrew Carnegie If you want to excel in life, self motivation is essential. You must know how to motivate yourself. You must be able to keep your spirit high no matter how discouraging a situation is. That’s the only way to get the power you need to overcome difficulties. Those who are discouraged in difficult times are certain to lose even before the battle is over. The question is: how d

Ang mga Tala...

Image
Isang gabi, umakyat ako sa burol, medyo manipis ang suot ko at naka-tsinelas lang ng goma, nakalimutan ko na malamig pala ang panahon, kaya gininaw tuloy ako. Ang sarap dito, tanaw ko ang bayan, na tila mga tala sa lupa. Umihip pa ang malamig na hangin at ako'y napatingala... kaya kong marating ang bayan at lapitan ang mga talang nasa lupa, e ung talang nasa langit kaya, maaabot ko kaya un?...pinikit ang mga mata, sabay yakap sa aking nilalamig na mga braso, humampas ang malakas na hangin at tila natangay ako....ahhh, totoo ba to? nasa itaas na nga ba ako, hindi! lumilipad ako!!!..mas maganda dito, kay lapit ko sa mga tala sa langit. Ang gaang ng pakiramdam at di na rin maginaw. Nagsisilbing kumot ang mga ulap na tila nakaakap sa akin. Ang saya ko, ganito pala ang pakiramdam ng malayo sa lahat, walang problema at walang inaalala...sana ganito na lang araw-araw, ang saya at maaliwalas ang pakiramdam. Pero may natatanaw ako sa ibaba, mga munting talang naglalakad?...lumapit pa a

May Isang Babae

Image
Meron isang babaeng laging nakaupo sa sulok ng kwarto. Nakasalampak sa sahig, nakapatong ang mga kamay sa tuhod at nakayuko ang mukha... laging nag-iisip at lumuluha. Napaka-lungkot tignan...Inisip ko na mabuti na lang at hindi ako ganun, kahit papano ayos naman ako. Naawa ako at gusto ko s'yang tulungan, kaya nilapitan ko sya at tinapik ng bahagya sa braso..."Ale...Ale?"... humarap sya sa akin,  sobrang lungkot ng mukha nya, at basa na ang kanyang damit at maga na ang mga mata sa kakaiyak. Pinagmasdan ko mukha nya at parang kinilabutan ako, may koneksyon kami at tila may kaugnayan sa isa't-isa... "ano ang pangalan mo?"...un lang ang naitanong ko, nakatitig lang sya at wala syang tinugon sa akin.  Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at dinama ang init nito, at unti-unti kong nalaman na ang babaeng ito at ako ay iisa! Ngayon ko lang naintindihan na pilit kong iniiwan sa isang sulok ang pagtangis at kalungkutang nararamdaman. Pilit kong tong tinata

...importante at mahalaga

Image
Nagsasalamin ako hindi dahil sa malabo ang mata ko, kundi para protektahan ang mata ko sa tama ng hanging galing sa elektripan, kasi may sore eyes ako at mahapdi ito. Laruan lang ang salamin na yan, at ilang araw ko na ring ginagamit. Nakakatuwa lang kasi, naisip ko na san ko na naman gagamitin ang salamin na to, e samantalang ngaun e gamit na gamit ko sya. Maraming bagay o pangyayari sa buhay natin na ang akala natin ay walang gamit o walang pakinabang, walang halaga o walang kabuluhan. Tulad na lang ng mga lumang sapatos, damit o kung ano-ano pa, marami pang magpapahalaga dito, ipamigay nyo, at mapapasaya nyo pa ang ibang tao, di ba?. Ang mga pangaral noon ng mga magulang natin, na akala natin bale wala lang pero ngaung magulang na rin tayo, napakahalaga pala ng mga ito. Mga kaibigan sa paligid natin, marami dyan na taon na ang binilang na di kayo nagkikita, akala mo nakalimutan mo na, pero kapag nagkita kayo ulit, parang isang oras lang ang nakalipas ng huli kayong nagusap. Maram

"AKO"

"AKO" by nogie Gusto kong sumigaw na tila batingaw; At marinig hanggang langit lahat ng aking hinanakit. Kung pwede lang sana tapusin na ang buhay ko; malugod ko itong iaalay para sa kasiyahan nyo. At sa aking pagkawala katahimikan ang handog ko; at dito mag-uumpisang makinig kung ano ang tunay na "AKO". ...

"Buhay mo yan, tiisin mo!"

Image
May narinig ako kanina na ang sabi "buhay mo yan, tiisin mo!"...walang sense of caring ung mga salita di ba?, pero totoo...buhay mo nga naman yan kaya tiisin mo. sabi nga ni bossing Vic "ginusto mo yan e"...kaso ang sakit sa tenga, kasi kawalan ng pakialam yan sa kapwa e....sa totoo lang tama, tumpak  at korekek!!!...ubos na ang lakas mo, ubos na ang pagwawala mo, ubos na ang reklamo, e di tiisin mo na lang, tutal buhay ka pa naman, di naman yata un nakakamatay. Sa kaso ko, ayan ako ung tuyong dahon na nasa kalye, kapag umihip ang hangin maglalasog lasog...buti na lang walang hangin, hehe, sobrang init kasi...wala ng pag-asang maging green ulit.... Pagod?...hmm oo...Hirap? hmm oo din...Tuyot? hahahaha, literal na yata yan a!...wala na kasing maireklamo e, nagawa ko na ang lahat, kaya ng ganyan ang advise sa akin "Buhay mo yan, tiisin mo"....sus kala mo naman kung anong kadramahan, e kumukulot lang naman ang utak sa sobrang init... Hmmm...matutong ma

O daan na! ....

Image
May pinagdadaanan ka ba?...paakyat ba o pababa?...malawak ba o makitid?...patag ba o mabako?...kanya- kanya naman tayong may pinagdadaanan di ba?...gusto ko na ngang bumaba mula dito sa taas, kaso pag nasa baba, gusto ko namang umakyat, ang gulo no!?. pero isa lang ang di magulo, at alam nyo ba kung ano un? Ang daan mo e daan mo lang, at ang daan ko e akin lang, walang ibang pwedeng dumaan dun, kanya-kanya tayo. Ang mahirap sa akin e maaaring madali para sa yo, at ang mahirap sa yo e maaaring  madali para sa akin. Mahirap man madalas ang mga pinagdadaanan natin, ang mahalaga huwag tayong tumambay, magpatuloy tayo sa paglalakad at makakaraos din tayo kung ano man ung pinagdadaanan natin...at wag naman sana umabot sa dead end :) at sana lang kung maaaring may makasama ako sa daan ko, pahawak naman sa kamay ko...aray sakit ng sore eyes ko!!! sori ha baka mahawa nga lang...hehe

isip-sisp...

Image
Naranasan nyo na ba ang mag-isip ng wala namang maisip? Ung isip-ka ng isip pero wala namang pumapasok sa isip mo? mahirap talagang mag-isip kung wala naman talagang iisipin pero gusto mong mag-isip...naisip ko lang naman na sana may magawa ako, kaya ako nag-iisip pero wala talaga e. kahit anong gawin kong klaseng pag-iisip wala talaga e... Napag-isip ko ba kayo kung ano talaga ang iniisip ko, o kung meron nga ako talagang iniisip...isipin nyo nga? Hai, pasensya po, gusto ko lang sumaya sa gitna ng kalungkutan...weh! Matandang maarte!!!...nasa kalagitnanan kasi ako ng malaking problema, na sa lahat ng taong pagsabihan ko e ayaw maniwala na un ang problema ko...hulaan nyo? :) ...ewan ko nga ba, kung problema nga ba to o tumatanda lang talaga ako at humihina na ang katatagan at pasensya. Alam na alam ko naman na Di Nya ko pababayaan pero lam nyo naman, tao lang naman ako no...minsan kasi pakiramdam ko, ung daan na dinadaaan  ko e natatanaw ko ng ung dead end, umaasa ako na m

designing tshirts...walang magawa e :)

Image

Happy Easter to everyone!!!

Image

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

Image
Medyo seryoso ako ngaun, dapat lang kasi ang hirap ng walang mouse ang computer, sira kasi :) Ito ang mga karanasan ko sa buhay, nakakatamad man basahin, dahil di nyo naman ako kakilala, basahin nyo na rin kasi sabi ko! :)... 1. "Ama, patawarin mo po sila sapagkat di nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lucas 23:34)       Naranasan ko na rin ang muntik ng mademanda, dahil sa bagay na wala akong kinalaman...nakatanggap ako ng panlalait at mga salitang sobrang nakasakit at nakapagpababa ng pagkatao ko. Lumaban ako ng patas at napatunayan din ang katotohanan, kadalasan natatapakan ka dala lang kahirapan, di ako nagmamalinis, marami din akong nagagawan ng kasalanan, pero ang mahalaga e ung marunong kang magpatawad at humingi ng tawad. 2. "Sinasabi ko sa iyo, ngayon din ay isasama kita sa paraiso." (Lucas 23:43)         May mga kakilala ako dati na di pumupunta ng simbahan, wala naman daw ung halaga. Dahil sa mahal ko sila, sinama ko sila sa simbahan para masanay

Ano na?...

Image
Bukas holy thursday na, wala pa rin akong mabuo sa trabaho ko, remember dito lang sa bahay ang work ko, at tuwing mahal na araw nandito lang kami sa bahay, nagtititigan at pinagsasawaan ang mga mukha namin :). He-he joke lang matagal ng sawa sa mga itsura namin, di nga!...hmmm, bisita iglesia kaya, dito na lang magdasal sa bahay, pareho lang naman, di ba? Di nga, natanong nyo na ba sa sarili nyo na, "ano na?"...parang walang kabuluhan ung araw nyo? feeling mo di ka productive o may kulang?...ano nga ba?...ano na?...pagtapos ng araw na to, ano na?... Pakiramdam ko ilang araw na akong nakatanga, naghhintay ng kung ano...inabot na lang ako ng mahal na araw. Mahirap tukuyin kung ano na nga ba gusto ko, kanina bigla kong naisip na bumili ng birthday cake kahit di ko naman birthday, at bigla na lang na gusto kong maging photographer, e wala naman akong camera, malala pa dun wala akong pambili ng dslr na camera. Ano na? ganito na ba araw-araw?...Nauubos ang oras ko sa kakaisi

...palaspas

Image
Lumang palaspas sa pintuan ng bahay ko...lumang palaspas na tinapon na sa basurahan, at umaasa ako na sa pag-alis nito sa pintuan ko, e kasama ng naalis ang mga lumang hinaing sa buhay ko...mga problemang nakaraan na... Bagong palaspas....bagong simula ba ng bagong kalbaryo? Di po, bagong palaspas para sa muling pagpapaalala po sa atin na nandyan po Sya para sa atin, nagsakrispisyo para maligtas tayong lahat. Makagawa man tayo ng pagkakamali, nandyan pa din Sya...Malalanta din yan kasama ng mga pinagdadaan natin sa buhay natin pero papalitan Nya ulit yan sa isang taon, at magiging sariwa ulit...

sabi ni lola...mahal na araw kasi.

Image
Naalala ko nung bata pa ko, sa tuwing holy week wala ka talagang mapapanood sa tv, ultimo komersyal wala, kung magpalabas man sila, mga pang holy week na movie. Tahimik ang kalye, walang naglalaro sa labas, walang nagtatakbuhan, walang maingay, halos lahat nangingiling...Ibang-iba na ngaun, maingay, kahit anong palabas sa tv meron, may cable na kasi, halos di mo maramdaman sa Lunes santo na pala. Ung iba busy sa mga ibang bagay, sa bakasyon ba, di mo naman din masisi kasi puro trabaho na mga tao ngaun, minsan lang magkaron ng bakasyon. Pero sana wag nating kalimutan na moment to ni HesuKristo, panahon para magtika...magtika po hindi mantika! di po ako mag-gigisa :)....hai noong araw maraming sinasabi ang mga matatanda kapag holy week at ilan lang to sa mga naaalala ko: Kapag nawala ka daw sa good friday, sa Easter sunday ka na makikita...kaya wag magsusuot sa kung saan-saan. Bawal maligo kapag alas-tres na ng hapon sa araw ng biyernes santo kasi magiging bato ka daw...kaya ok l

Congrats Redd! :)

Image
Sa wakas graduate na rin si Redd sa high school, 12 years din na nasa Mater Carmeli sya, pasalamat na lang ako at nakaligtas sya sa K-12! hahahaha...Di kami nagkamali na dun sya ipasok, nahubog ng husto ang talent, at talino nya dun. O di kaya sadyang matalino lang sya at talented kasi mana sya sa akin...weh! di nga!...hahahaha....sa June, UP Diliman naman, yey! 5 years pa...sandali na lang yan :)....Congrats Redd!!! i love you....

wag masyadong mareklamo :)

Image
Alas kwatro y media ng hapon, napabalikwas ako bigla habang nakahiga, may dumadaan na "pot-pot" sa labas...nagmamadali akong lumabas, "boy, anong tinda mo?"..."tinapay po"...ui may ensaymadang walang asukal, monay at pan de coco..."pan de coco na lang, magkano?"..."limang piso po"..."sige bigyan mo ko ng anim"...medyo malaki ung tinapay, pero naka-tatlo pa din ako, sobrang gutom ko, kasi hindi pa ako nanananghalian, nakalimutan ko sa kakatrabaho at kakaisip ng problema, itutulog ko na lang sana ung gutom ko pero nahalina ako sa "pot-pot" nya, hahaha...solb!, pwede na ulit mamahinga... :)...ganito lang ang buhay, bakit kailangang magreklamo minsan...salamat po Lord!