sabi ni lola...mahal na araw kasi.



Naalala ko nung bata pa ko, sa tuwing holy week wala ka talagang mapapanood sa tv, ultimo komersyal wala, kung magpalabas man sila, mga pang holy week na movie. Tahimik ang kalye, walang naglalaro sa labas, walang nagtatakbuhan, walang maingay, halos lahat nangingiling...Ibang-iba na ngaun, maingay, kahit anong palabas sa tv meron, may cable na kasi, halos di mo maramdaman sa Lunes santo na pala. Ung iba busy sa mga ibang bagay, sa bakasyon ba, di mo naman din masisi kasi puro trabaho na mga tao ngaun, minsan lang magkaron ng bakasyon. Pero sana wag nating kalimutan na moment to ni HesuKristo, panahon para magtika...magtika po hindi mantika! di po ako mag-gigisa :)....hai noong araw maraming sinasabi ang mga matatanda kapag holy week at ilan lang to sa mga naaalala ko:

  1. Kapag nawala ka daw sa good friday, sa Easter sunday ka na makikita...kaya wag magsusuot sa kung saan-saan.
  2. Bawal maligo kapag alas-tres na ng hapon sa araw ng biyernes santo kasi magiging bato ka daw...kaya ok lang na mamaho!
  3. Wag lumabas ng bahay kapag biyernes santo kasi daw malapit sa disgrasya, patay si Kristo walang magliligtas sa yo.
  4. Wag magpakasugat kapag good friday kasi di na daw to gagaling.
  5. Lahat daw ng bawal gawin mo na kasi patay naman daw si Kristo....kaya pwedeng dumerecho kahit naka-red pa ang trapik light....teka MMDA yata ung wala e.
  6. Wag daw magsabi ng sekreto during holy week, marami daw kasing Hudas.
  7. Kunin ang mga agimat dahil nagrerecharge daw to tuwing good friday.
  8. Huwag daw magtakbuhan at mag-ingay kapag biyernes santo kasi magagalit daw si HesuKristo.
Kahit na ano pa ang sinabi sa atin ng mga nakakatanda noon, wala naman 'tong naging masamang epekto sa atin di ba?... sa panahon ngayon ito lang ang masasabi ko "wag kayong pakalat-kalat sa gabi, maraming holdaper" ;)

...

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas