Isang maulan na araw




Maaga pa lang lumabas na sya ng bahay, sa sobrang pagkabagot at pagkainis. Dala nya lang e payong na pula, dahil maulan, actually malakas ang ulan. Wala syang pakialam kung ano pa ang suot nya, basta makaalis lang, kaso wala naman syang dalang pera, san naman sya makakarating, "hai bahala na!" yan ang sabi nya, basta kahit isang araw man lang makawala sya sa sobrang pagod sa buhay nya.
Palipat lipat na sya ng bus at jeep, hanggang sa maisipan nya sumakay ng MRT, kasi di talaga nya alam kung saan sya pupunta. Palinga-linga sa loob ng tren, nang biglang nag-iba ang tingin nya sa paligid, parang lumabo lahat ng nasa paligid nya at may humaltak sa kamay nya, Itinakbo sya nito habang ang paligid ay nagmukang hardin ng palasyo, isang malawak na hardin na halos di mo matanaw ang dulo nito. Nag-umpisang lumiwanag at sumikat ang araw, pero nakahawak pa rin sa kamay nya ang taong humaltak sa kanya. Tinignan nya to at kinilala..."sino ka ba?, kilala  ba kita?"...Tinitigan sya at ngumiti, "oo naman, tara doon tayo".
Sa pagkakataon na ito, di na sya hinaltak nito para itakbo, hinawakan syang dahan-dahan sa kamay at naglakad ng sabay papunta sa isang magandang gazebo sa gitna ng hardin.
"Alam mo, masarap magpahinga dito, sariwa ang hangin, at maaliwalas ang paligid, malayo sa gulo, sa problema at 
sa mga nakakapagod na buhay"..."kilala mo ko, at pwede kang mamahinga sa tabi ko ng walang inaalala"..."halika sumandal ka sa balikat ko, aalagaan kita"...
Tahimik nga at parang nawala lahat ng pagod nya. Pakiramdam nya nasa ligtas syang mga kamay. Pakiramdam nya nasa piling sya ng taong mahal na mahal sya. Pinikit nya ang kanyang mga mata, habang nakasandal sya sa balikat at hawak ang kanyang kamay, at niyakap nya ang kanyang payong na pula...nang biglang may sumigaw na sobrang kinagulat nya..."hoy pumasok ka nga, anong ginagawa mo sa labas ng gate na naka pajama pa! umuulan na niyayakap mo pa payong mo!"


...wagas! hahahahaha

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas