O daan na! ....



May pinagdadaanan ka ba?...paakyat ba o pababa?...malawak ba o makitid?...patag ba o mabako?...kanya- kanya naman tayong may pinagdadaanan di ba?...gusto ko na ngang bumaba mula dito sa taas, kaso pag nasa baba, gusto ko namang umakyat, ang gulo no!?. pero isa lang ang di magulo, at alam nyo ba kung ano un? Ang daan mo e daan mo lang, at ang daan ko e akin lang, walang ibang pwedeng dumaan dun, kanya-kanya tayo.
Ang mahirap sa akin e maaaring madali para sa yo, at ang mahirap sa yo e maaaring  madali para sa akin. Mahirap man madalas ang mga pinagdadaanan natin, ang mahalaga huwag tayong tumambay, magpatuloy tayo sa paglalakad at makakaraos din tayo kung ano man ung pinagdadaanan natin...at wag naman sana umabot sa dead end :) at sana lang kung maaaring may makasama ako sa daan ko, pahawak naman sa kamay ko...aray sakit ng sore eyes ko!!! sori ha baka mahawa nga lang...hehe

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas