Lalaki...sino? ako?!




Kung mamatay ako at mabibigyan ng pagkakataon na mabuhay ulit, gusto ko sanang maging isang lalaki, ung tunay na lalaki ha. Pakiramdam ko kasi mas lalaki pa ako sa mga lalaki! hahahaha..lalaking iyakin!.
Napatunayan ko na yan, hindi biro lang...sa totoo lang mahirap maging isang babae, opinyon ko lang naman yan. Para sa akin nahirapan ako dahil babae ako, sana ginawa na lang Nya akong lalaki...
Nagtataka kasi ako kung bakit ako babae, tapos ipapagawa lang pala sa akin ang papel ng isang lalaki. Ung dadamdamin ko babae, pero kailangan ng tapang at tatag ng tulad ng sa lalaki. Utak daw ang pairalin at tigasan ang puso, palakasin ang mga braso at tibayan ang paninindigan...bumuhay ng pamilya at ibigay lahat ang lakas mo sa mga bagay na magpapatatag sa kanila.
Nakakainggit sila!..ha ano daw?!...huh! kanino? hehe joke lang...wala naman dapat kaiinggitan...minsan pinagmamalaki ko pa na para akong lalaki...nakasanayan ko na yan...sanay na ako, kaya sana lalaki na lang ako...di ko kailangang umiyak, manghina, pairalin ang puso...dapat parating handang makipagbunong braso sa kanto!
Gets nyo ba? kuha nyo ba ang sinsabi ko o naguluhan kayo tulad ng utak ko? Basahin nyong mabuti, baka may nakaligtaan kayo...

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas