...colorful di ba?

...dahil sa wala akong magawa. napagmasdan ko ung semento namin na puro krak...kinunan ko ng pic, tas ito na ang labas..ang resulta ng kabatuhan ko, colorful di ba? :D



Minsan hindi lahat ng magandang nangyayari e galing sa maganda...kadalasan nga galing to sa pangit na karanasan sa buhay, at mula dito lumalakas ka, natututo at naisasaayos ang mga bagay-bagay para magkaron ng magandang resulta.
Hindi ko sinabing sing bilis lang ng pag-gawa ko ng artwork na ito ang paglutas ng kahit na anong suliranin o problema, pero naniniwala ako na lahat ng problema e may solusyon, lahat ng lungkot e may katapat na saya...oo nga mahirap, madalas parang wala ng pag-asa, pero tulad ng artwork na ginawa ko, mula sa sementong malapit ng bumigay, e naging makulay pa ulit...

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas