Posts

Showing posts from March, 2013

Ang sulat

Image
Nakatanggap ng sulat si Elena, galing ito kay Miguel. Isang sulat na nagpaluha at nagpangiti sa kanya. Si Elena ay isang simpleng babae na taga probinsya ng Batag. Nagkakilala sila ni Miguel sa simbahan, nagpamisa kasi ang mga kaanak ni Elena doon dahil araw ng kamatayan ng kanyang tyuhin. Mabait si Miguel kaya madaling napalapit sa kanya si Elena. dito nagsimula ang kanilang pag-iibigan. Madalas syang dalawin ni Elena at nagdadala pa ito ng prutas, minsan naman ay ulam. Madalas din silang magpupunta sa burol pagsapit ng dilim. malayo sa mga mata ng taong bayan. Kwentuhan, tawanan at minsan katahimikan...magkahawak ang mga kamay at minsan kapag hinalikan ni Elena si miguel sa pisngi, tanging mahigpit na yakap lang ang tugon sa kanya ni Miguel. Ang relasyon nilang dalawa ay isang lihim, ngunit isang gabi, may nakakita sa kanila habang sila ay naglalakad ng sabay patungong burol. Mabilis kumalat ang mga usapan, na kadalasan ay may mga dagdag na, maraming kasing tsismosa...hmmm l

Sonia at Azon (short story)

Image
Sila Sonia at Azon ay magkapatid, kambal sila. Si Azon ay tahimik, samantalang si Sonia ay masayahing bata. nakatira sila kasama ang kanilang magulang at nakababatang kapatid na lalaki na si Boyet, sa isang malayong probinsya. Isang araw, humangangos pauwi si Sonia, luhaan at sumisigaw ng saklolo. Nalunod ang kapatid nyang si Azon sa ilog habang sila ay naliligo. Marami ang taga-roon ang nagtaka, dahil mahusay si Azon lumangoy kahit pa noong maliit pa sya. Dahil dito nabalot ng kalungkutan si Sonia. Tahimik ang bayan nila, maliban sa paminsan minsang mga kwento na di pangkaraniwan, tulad ng may gumagala daw na mabangis na hayop sa lugar nila. Isang gabi hindi mapakali si Sonia, nagpunta sya sa may ilog, tila balisa. Nang marinig nya ang hiyaw ng kanyang ina..."Diyos ko!!!"...dali dali syang umuwi, nakita nya ang kanyang kapatid na si Boyet, duguan, laslas ang dibdib...may nakita syang anino na papalayo, sinundan nya ito. Sugatan na ang paa ni Sonia sa kakahabol, nap

Iisa lang

Image
Iisa lang Iisa lang ang langit na natatanaw Iisa lang ang sumisikat na araw Ang init na dampi nito sa aking katawan Ay sya mo ring nararamdaman Iisa lang ang buwan pagsapit ng gabi Na nagbibigay liwanag kung san ka namamalagi Mga tala sa langit na di mabilang Iginuguhit ang iyong larawan Iisa lang ang mundong ginagalawan Iisa lang ang hangin na hinihingahan Ngunit may isa akong katanungan Iisa rin kaya ang ating nararamdaman?

Sa kamote sasablay :)

Image

Si Melinda

Image
Tanghali na ng magising si Melinda, isang kinse anyos na may katamaran. Naiwan syang nagiisa sa bahay, matapos syang gisingin ng makailang beses ng kanyang nanay, dahil dadalawin nila ang tyuhin nyang may sakit sa Tarlac, napagod na ang nanay nya kaya nagdisisyon na iwan na lang sya. Medyo naalimpungatan at nagtaka bakit sya iniwan, hanggang sa naalala nya ang sinabi nya kanina na, "kayo na lang ang umalis, inaantok pa ako". Lumaki si Melinda na mapag-isa, may kapatid syang lalaki na mas bata sa kanya. Tindera sa palengke ang nanay nya, at may lasengong ama. Wala syang magawa nung araw na yon, kaya naisipan nyang maghalungkat ng mga lumang litrato..."hmm, nakakatuwa naman ang mga ito, panahon pa yata ito ng giyera"...pero may napansin syang kakaiba, wala syang makitang litrato nung sya ay baby pa... "hmm, bakit ang kapatid ko meron, hindi ba ako bininyagan?"...sige pa sya sa halungkat, hanggang sa makita nya ang lumang sulat ng isang babae at tumata

Mabuto pero matamis...

Image
Salamat sa kapitbahay namin, libre ang bayabas...sabi nila kapag makinis at makintab na ang balat, pwede na ito kainin. Hindi mo aakalain na sa kinis ng balat nya e puro buto pala ang loob, minsan pa nga kabag malambot na ito e siguradong may uod pang kasama. Alam nyo ba ba kung papano nakakapanlinlang ang labas na kaanyuan? Maraming naglipana sa atin ang napakahusay at napakaganda sa panlabas na anyo pero burak naman ang kalooban. Marami din ang kinaiinggitan dahil napakasagana nila sa buhay pero di mo akalain na napakagulo pala ng buhay nila...hmm...pero para sa akin ang bayabas ay tulad ng buhay, mas gugustuhin mong puro balat na lang at wala na sanang buto, wala sanang uod na parang unti unti kang kinakain. Pero alam nyo ba na ang buto ang matamis na parte ng bayabas? sa buhay natin para itong problema na laging nakakabit sa mga balat natin, na kapag wala ito, wala tayong matututunan at hindi rin tayo tatatag. Kahit minsan na punong puno tayo ng "buto" sa buhay natin