May Isang Babae



Meron isang babaeng laging nakaupo sa sulok ng kwarto. Nakasalampak sa sahig, nakapatong ang mga kamay sa tuhod at nakayuko ang mukha... laging nag-iisip at lumuluha.


Napaka-lungkot tignan...Inisip ko na mabuti na lang at hindi ako ganun, kahit papano ayos naman ako.


Naawa ako at gusto ko s'yang tulungan, kaya nilapitan ko sya at tinapik ng bahagya sa braso..."Ale...Ale?"... humarap sya sa akin,  sobrang lungkot ng mukha nya, at basa na ang kanyang damit at maga na ang mga mata sa kakaiyak. Pinagmasdan ko mukha nya at parang kinilabutan ako, may koneksyon kami at tila may kaugnayan sa isa't-isa...
"ano ang pangalan mo?"...un lang ang naitanong ko, nakatitig lang sya at wala syang tinugon sa akin. 


Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at dinama ang init nito, at unti-unti kong nalaman na ang babaeng ito at ako ay iisa!


Ngayon ko lang naintindihan na pilit kong iniiwan sa isang sulok ang pagtangis at kalungkutang nararamdaman. Pilit kong tong tinatalikuran upang ipakita sa lahat na ayos lang ako. Na kahit anong tanggi ko at panloloko sa sarili ko, nakikita ko pa rin ito sa isang sulok kung saan ko sya gustong manatili...


May isang babaeng laging nakaupo sa sulok... luhaan...at ako 'yon...


                                                ............

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas