isip-sisp...



Naranasan nyo na ba ang mag-isip ng wala namang maisip? Ung isip-ka ng isip pero wala namang pumapasok sa isip mo? mahirap talagang mag-isip kung wala naman talagang iisipin pero gusto mong mag-isip...naisip ko lang naman na sana may magawa ako, kaya ako nag-iisip pero wala talaga e. kahit anong gawin kong klaseng pag-iisip wala talaga e...
Napag-isip ko ba kayo kung ano talaga ang iniisip ko, o kung meron nga ako talagang iniisip...isipin nyo nga?

Hai, pasensya po, gusto ko lang sumaya sa gitna ng kalungkutan...weh! Matandang maarte!!!...nasa kalagitnanan kasi ako ng malaking problema, na sa lahat ng taong pagsabihan ko e ayaw maniwala na un ang problema ko...hulaan nyo? :) ...ewan ko nga ba, kung problema nga ba to o tumatanda lang talaga ako at humihina na ang katatagan at pasensya. Alam na alam ko naman na Di Nya ko pababayaan pero lam nyo naman, tao lang naman ako no...minsan kasi pakiramdam ko, ung daan na dinadaaan  ko e natatanaw ko ng ung dead end, umaasa ako na may eskenita dun sa dulo para naman may lalakaran pa ako...

Sana bukas maisip ko na ang gusto ko maisip at isisping mabuti ang iniisip ko!....o naisip nyo na ba?

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas