Ano na?...



Bukas holy thursday na, wala pa rin akong mabuo sa trabaho ko, remember dito lang sa bahay ang work ko, at tuwing mahal na araw nandito lang kami sa bahay, nagtititigan at pinagsasawaan ang mga mukha namin :). He-he joke lang matagal ng sawa sa mga itsura namin, di nga!...hmmm, bisita iglesia kaya, dito na lang magdasal sa bahay, pareho lang naman, di ba?


Di nga, natanong nyo na ba sa sarili nyo na, "ano na?"...parang walang kabuluhan ung araw nyo? feeling mo di ka productive o may kulang?...ano nga ba?...ano na?...pagtapos ng araw na to, ano na?...


Pakiramdam ko ilang araw na akong nakatanga, naghhintay ng kung ano...inabot na lang ako ng mahal na araw. Mahirap tukuyin kung ano na nga ba gusto ko, kanina bigla kong naisip na bumili ng birthday cake kahit di ko naman birthday, at bigla na lang na gusto kong maging photographer, e wala naman akong camera, malala pa dun wala akong pambili ng dslr na camera. Ano na? ganito na ba araw-araw?...Nauubos ang oras ko sa kakaisip ng ewan!!!


Ano na?...palagay ko may gusto akong gawin na di ko magawa, nasa sub-conscious ko siguro at ayaw lumabas...hmm ewan ko, dapat bukas magsipag na ko no, dahil kung hindi walang mangyayari sa amin, baka kahit magtanim ng kamote di ko pa makayang gawin...


ANO NA?!!!...e di...wala pa din! hahahaha....bakit, sabi ko bukas pa ko magsisipag a?...remember ang salitang "bukas" ay di dumadating!!!...patay tayo dyan! :p


Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas