"Buhay mo yan, tiisin mo!"



May narinig ako kanina na ang sabi "buhay mo yan, tiisin mo!"...walang sense of caring ung mga salita di ba?, pero totoo...buhay mo nga naman yan kaya tiisin mo. sabi nga ni bossing Vic "ginusto mo yan e"...kaso ang sakit sa tenga, kasi kawalan ng pakialam yan sa kapwa e....sa totoo lang tama, tumpak  at korekek!!!...ubos na ang lakas mo, ubos na ang pagwawala mo, ubos na ang reklamo, e di tiisin mo na lang, tutal buhay ka pa naman, di naman yata un nakakamatay.
Sa kaso ko, ayan ako ung tuyong dahon na nasa kalye, kapag umihip ang hangin maglalasog lasog...buti na lang walang hangin, hehe, sobrang init kasi...wala ng pag-asang maging green ulit....
Pagod?...hmm oo...Hirap? hmm oo din...Tuyot? hahahaha, literal na yata yan a!...wala na kasing maireklamo e, nagawa ko na ang lahat, kaya ng ganyan ang advise sa akin "Buhay mo yan, tiisin mo"....sus kala mo naman kung anong kadramahan, e kumukulot lang naman ang utak sa sobrang init...
Hmmm...matutong magtiis kung ano ang meron, matutong tanggapin kung ano ang nandyan, kaya lang naprapraning ka din minsan, parang gusto mong isawsaw sa mainit na kape palagi, ang tigas kasi e...tsaka sana lang kahit ganito ako, meron sanang kaibigan na umiba sa mga salitang "buhay mo yan tiisin mo!"...ng ganito "DITO LANG AKO PALAGI PARA SA YO, KAYA MO YAN FRENd" :)

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas