...palaspas


Lumang palaspas sa pintuan ng bahay ko...lumang palaspas na tinapon na sa basurahan, at umaasa ako na sa pag-alis nito sa pintuan ko, e kasama ng naalis ang mga lumang hinaing sa buhay ko...mga problemang nakaraan na...


Bagong palaspas....bagong simula ba ng bagong kalbaryo? Di po, bagong palaspas para sa muling pagpapaalala po sa atin na nandyan po Sya para sa atin, nagsakrispisyo para maligtas tayong lahat. Makagawa man tayo ng pagkakamali, nandyan pa din Sya...Malalanta din yan kasama ng mga pinagdadaan natin sa buhay natin pero papalitan Nya ulit yan sa isang taon, at magiging sariwa ulit...

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko