May isang Ina...


May isang ina, tawagin natin syang Lu, at ang anak nyang babae na si Maria...
Mahal na mahal ni Lu ang anak nyang si Maria, palibhasa panganay ito. Lagi nyang dinadala si Maria sa doktor, sa katunayan nga e, buwan buwan nya tong pinatitignan. Wala namang sakit si Maria, pero gusto nya to alagaan ng husto. Binibigyan nya si Maria ng dekalidad na bitamina at masusustansyang pagkain. Sa gabi bago matulog kinukwentuhan ni Lu si Maria at kinakantahan pa nga nya ito.
Maraming pangarap si Lu sa anak nya, gusto nya itong lumaki ng malusog at maging masaya. Medyo malikot si Maria, isang araw nga dahil sa kalikutan nito, pareho silang nadulas sa banyo, pero ok lang naman. Habang lumalaki si Maria, lalo syang napapamahal kay Lu, binibilan pa sya ng magagandang damit at laruan.
Pero isang araw, itinakbo sya ni Maria sa hospital, di na sya gumalaw at di na rin tumitibok ang puso nya. Sa sobrang pagkabigla, halos di makakibo si Lu sa nangyari. Di nya alam kung ano nangyari, sa katunayan sinisi nya ang Diyos sa nangyari at puro galit ang maririnig mo sa kanya. 
Napuno ng kalungkutan si Lu, sinisi pati ang sarili sa nangyari..."Ano ang mali ko!".
Si Maria, ang mahal na mahal nyang panganay na anak na babae...si Maria na hindi nya nakita ang mukha...si maria na di man lang nya nayakap ng sarili nyang mga kamay.
Pinanganak si Maria noong June 15, 1993 na "stillbirth"...iniyakan sya ni Lu, pero di nakayanan ni Lu na tignan sya...
Si Lu aka Ginna...oo ako nga ang ina ni Maria, matagal na nga pero iniiyakan ko pa din hanggang ngayon...

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas