Sakay tayo sa bus :)



Ito ang bus na kung tawagin ay JD transit. Paborito ko tong sakyan nung nagaaral pa ako sa MCU sa Caloocan. Medyo mabagal nga lang, pero pakiramdam ko safe ako sa bus na to, na gawa sa lawanit! hahahaha...pag umuulan at nagsara ka ng bintana, sooooobrang init!!!! At ung mga uniform ng mga kundoktora ay kulay pink na super tigas kasi laging naka-almirol, bawal daw magusot. Pag umuuwi ako galing sa MCU, humihinto sila sa may bagong barrio yata un para magpacheck ng ticket. Tigas pa ng upuan! hahahaha...



Ito naman ang love bus, wow sosyal to kasi aircon, di ka pagpapawisan, Kaya love bus ang tawag dito kasi puro dalawahan lang ang upuan, at malambot syempre. Nakalimutan ko na kung san ang byahe nito, pero sa pagkakatanda ko dumadaan to ng espanya e, pero ewan ko lang ha, basta nakakarating to sa AliMall, wow hahahahaha!...tsaka nakalimutan ko na din kung sino kasama kong sumasakay dito...hehe....kaya lang nung naluma na, ginamit na service ng MMDA. :(



Ito pa mas sosyal, Double-decker bus, edsa din ang byahe nito, kaya lang sandali lang ang buhay nito o di lang talaga ako madalas sumakay dito, kasi naman nakakatakot e, walang drayber sa taas hahaha..tas nakakahilo pa. Pero pag sumakay ka dito enjoy din naman lalo na sa taas kasi tanaw mo lahat, maganda pa edsa nun, di pa trapik.



Ayan, nakikita nyo ba ung kulay yellow na bus, ung maliit? Yan naman ang baby bus kung tawagin. Hai naku, mapapasakay mo lang ako dyan kapag tipong malapit na ako ma-istranded. Ayaw na ayaw kong sumakay dyan, kasi naman, maliit na, masikip, maingay pa sa loob sa lakas ng stereo, tas dami pang mga manghihipo sayo sa loob, mga bastos! hahahahaha....kadiri!...Tas ang takaw sa pasahero, pati yata ung mga naliligo e hinihintay pa.


DM ang tawag dito, ito lang yata ang puting bus na bumibyahe sa edsa. Kahit tawasin mo ko di ako sasakay dito, mahal ko buhay ko no, kaya DM e, Demonyo Magmaneho!...kakatakot kaya, lumilipad yan sa edsa! ang luwag pa kasi ng edsa nun. Minsan napilitan akong sumakay sa DM kasi male-late na ako sa klase, nakarating naman ako ng matiwasay sa MCU, medyo namumutla nga lang at least pumuti ako ng konti hehe....

Pero kahit anong klaseng bus pa yan, naging bahagi pa din sila ng buhay ko, at masarap bumiyahe sa edsa nung araw, di katulad ngaun, sobrang trapik na sobra pa ang polusyon.

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas