Ngiti lang... :)


Alam nyo ba na maraming benipisyo ang pag ngiti? Una gaganda ka, muunat ang mga balat mo, at magmumukha kang bata, mukha ha, at di ang isip. Di rin matatakot ang mga tao sa yo, di tulad ng pag nakasimangot ka, di ka malapitan kala nila kakainin mo sila ng buhay. Nakakatanggal din ito ng stress, pag stress ka, nakikita kaya un sa mukha mo, para kang nilamukos na papel, pag nag smile ka kahit papano mababawasan stress mo di ba?. Ngumiti lang tayo kasi nakaka-boosts din ng immune system, masaya ka na iwas ka pa sa sipon at ubo...totoo yan, ang pag smile ay nakakapag release ng endorphins at natural pain killer, imagine natural drug pala ang pag ngiti di kailangan ng reseta. 
Di naman nakakapagod ang pag ngiti, ewan ko lang ung mga adik magpa picture, he-he...Ang ganda siguro kung ang lahat ng makakaharap mo e nakangiti sa yo, tanggal ang problema, at pagod mo, di ba?
Kaya wag natin kalimutang ngumiti, kahit di perpekto ang buhay, maraming mali at problema...makakapagbigay pa tayo ng saya sa kapwa natin kapag nginitian natin sila.

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas