Ang mga Tala...



Isang gabi, umakyat ako sa burol, medyo manipis ang suot ko at naka-tsinelas lang ng goma, nakalimutan ko na malamig pala ang panahon, kaya gininaw tuloy ako. Ang sarap dito, tanaw ko ang bayan, na tila mga tala sa lupa. Umihip pa ang malamig na hangin at ako'y napatingala... kaya kong marating ang bayan at lapitan ang mga talang nasa lupa, e ung talang nasa langit kaya, maaabot ko kaya un?...pinikit ang mga mata, sabay yakap sa aking nilalamig na mga braso, humampas ang malakas na hangin at tila natangay ako....ahhh, totoo ba to? nasa itaas na nga ba ako, hindi! lumilipad ako!!!..mas maganda dito, kay lapit ko sa mga tala sa langit. Ang gaang ng pakiramdam at di na rin maginaw. Nagsisilbing kumot ang mga ulap na tila nakaakap sa akin. Ang saya ko, ganito pala ang pakiramdam ng malayo sa lahat, walang problema at walang inaalala...sana ganito na lang araw-araw, ang saya at maaliwalas ang pakiramdam.
Pero may natatanaw ako sa ibaba, mga munting talang naglalakad?...lumapit pa ako ng bahagya at napag alamanan
ko na isa palang prosisyon...pero di sya prosisyon ng santo...huh!?...prosisyon ng ....libing!!!!...ang daming tumatangis, ang daming malungkot...
Bakit ganito ang pakiramdam ko, bakit nalungkot din ako..masaya na ako di ba?...umusad ako sa may unahan at nakita ko kung sino ang iniiyakan nila...huh!!!!??? hindi ito totoo!!! Gusto ko lang naman sana manahimik at malayo sa pahirap ng mundo, kahit isang araw lang sa buhay ko, di ko inaasahan ang ganito!
Umakyat ako sa burol upang makalimot sa lupit ng aking mundo, di ko sinasadyang kitilin ang buhay ko...ano itong aking nagawa, sinaktan ko ang mga taong mahal sa akin...sa kawalan ng pag-asa at sa kawalang ng pananampalataya...Panginoon ko, mailigtas sana yaring kaluluwa ng liwanag ng inyong mga tala...patawad po...


d end...


P.S. Hoi Ginna, pwede ba magtrabaho ka na, sinabi na kasi na bawas-bawasan mo ang pag-inom ng kintsay juice, nakaka-high yan!!! :)

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas