Kung pwede lang sana...




Kung pwede lang sana, na di na bumangon;
Kung pwede lang sana, na humilata na lang buong araw;
Kung pwede lang sana, na hindi na mag-isip;
Kung pwede lang sana, na hindi na mag-alala;
Kung pwede lang sana, na hindi na mag-mahal;
Kung pwede lang sana, na wala na lang problema;
Kung pwede lang sana, na matapos na lahat;
Kung pwede lang sana, na masabi mo lahat;
Kung pwede lang sana, na umalis at tumakas;
Kung pwede lang sana, na mawala na parang bula;
Kung pwede lang sana, na maging malakas palagi;
Kung pwede lang sana, na wala nang masasaktan;
Kung pwede lang sana, na wala nang luha;
Kung pwede lang sana, na manatli sa sarili kong mundo...dahil sa mundo ko, OK ako...

Kung pwede lang sana...

Lumulutang ang katauhan, sa lunod kong kaisipan;
                   Bawat kampay ng mga kamay, pailalim ang hukay.


................................................................................................. :(

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas