...importante at mahalaga

Nagsasalamin ako hindi dahil sa malabo ang mata ko, kundi para protektahan ang mata ko sa tama ng hanging galing sa elektripan, kasi may sore eyes ako at mahapdi ito. Laruan lang ang salamin na yan, at ilang araw ko na ring ginagamit. Nakakatuwa lang kasi, naisip ko na san ko na naman gagamitin ang salamin na to, e samantalang ngaun e gamit na gamit ko sya.
Maraming bagay o pangyayari sa buhay natin na ang akala natin ay walang gamit o walang pakinabang, walang halaga o walang kabuluhan. Tulad na lang ng mga lumang sapatos, damit o kung ano-ano pa, marami pang magpapahalaga dito, ipamigay nyo, at mapapasaya nyo pa ang ibang tao, di ba?. Ang mga pangaral noon ng mga magulang natin, na akala natin bale wala lang pero ngaung magulang na rin tayo, napakahalaga pala ng mga ito. Mga kaibigan sa paligid natin, marami dyan na taon na ang binilang na di kayo nagkikita, akala mo nakalimutan mo na, pero kapag nagkita kayo ulit, parang isang oras lang ang nakalipas ng huli kayong nagusap. Marami din akong nasasabi na akala ko walang kwenta, pero nakakasakit pala sa iba...manhid ko no?...
Maraming pangyayari na akala ko bale wala lang...lakas ng loob ko magsabi minsan na "kaya ko yan, ako pa!"...pero kadalasan, kapag nag-iisa na lang, di pala ito bale wala lahat, big deal pala ito, iiyakan ko habang sinasabi sa sarili ko na "bale wala lang to, sus" hehe, baliw no?...
Hmmm...kaya itong sore eyes ko, malamang mananatili muna sa akin, kasi para akong may sore eyes sa tuwing iiyak ako.
Malapit ko na rin siguro itago ang salamin na to, mukang pagaling na naman ang sore eyes ko, pero di ko kakalimutan ang serbisyon nagawa nya sa akin...hindi sya bale wala, napaka importante nya para sa akin.

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas