Minsang ipinikit ang mata...



Minsang ipinikit ang mga mata,
hindi para mag-isip,
kundi para bigyan ng kulay
ang kapaligiran.

Minsang ipinikit ang mata
hindi para mag-isip,
kundi para makita
ang di tanaw ng nakamulat na mata.


Minsang ipinikit ang mata,
hindi para mag-isip,
kundi para makapiling
ang mga mahal na wala na.

Minsang ipinikit ang mga mata,
hindi para mag-isip,
kundi para marating ang
nais puntahan.

Minsang ipinikit ang mata,
hindi para mag-isip,
kundi para maramdaman ang
ginhawa na dulot ng buhay.

Minsang ipinikit ang mata,
para mag-isip,
kung kelan tuluyang
ipipikit yaring aking mga mata.

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas