sick of the rock :)

Naaalala ko pa noon, cguro grade 2 or 3 ako nun, may exam kami at isa sa tinanong e kung ano ang ingles ng "sakit sa bato" at yan ang sagot ko "sick of the rock" hahahahaha...tama naman di ba?...hehe lam nyo ba na matagal kong pinagdusahan un, halos dalaga na ko, kapag may family reunion, yan ang laging joke nila, nakakahiya talaga. Pero ngaun di na ko nahihiya, makapal na mukha ko e :)
O ngaun, may bato ka ba sa bato?...alam nyo ba na malaking tulong ang kintchay dyan?...Kakaiba ang  kinchay sa ibang mga herbs, meron itong Vitamins A, B-1, B-2, B-3, B-5 and Vitamin C and Vitamin E. Nakakatulong to para maprevent ang pagkakaroon ng tumor cells, nakakapatay din to ng bulate sa tyan, anti-kabag, pananakit ng tyan at babango pa hininga mo. Maaayos din ang function ng bladder, liver, lung, stomach, thyroid at lalo na ang kidney as in bato!


O gusto nyo bang malinis ang kidney nyo in less than 10 pesos?!...ok sabi ko nga gusto nyo e...


Bili ka ng isang taling kinchay sa palengke, ako sa grocery, sori naman sosyal ako e! hahahaha...
Hugasan mo at tanggalin ung ugat, tas putol-putulin lang tas pakuluan ng mga 10 minutes, kasi mahal ang gas, sa tubig syempre, bahala ka na sa dami ng tubig, palamigin mo, tas isalin mo sa bote o pitchel, tas ilagay mo sa ref mo, wag sa ref ng kapitbahay ha?!..tas ito ang inumin mo sa araw-araw, isang baso o higit pa ok lang yan. Kita mo malilinis ang Kidney mo at gaganda pakiramdam mo.


Basta tatandaan nyo ung bilin ko ha..."BAWAL MAGING BATO" :)








Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas