Mag-walis, mag-linis at mag muni-muni...
Nakikita nyo ba yang walis na yan, tagal na nyan, lapit ng mapudpod, galing pa yan sa pangasinan, bigay sa akin ng mahal kong kapatid na si Liza. Luma na pero pwede pa, nakakalinis pa naman. pero mas luma ung sahig na winawalis ko. Di ko na alam kung ilang beses ko na nawalis tong particular na side na to ng sahig namin. maitim na at nag-iba na rin ang kulay nito. Kung iisipin mo, ilan na kaya nag nalaglag na baso dito o gamit dahil sa binato ko, o ilang beses na ba nabasa ito ng tubig dahil sinadya kong itapon o natuluan ng luha ko dahil galit o malungkot ako. Ilang beses ko na kaya nasipa o niluhuran ito dahil lang sa nagwala ako sa sobrang galit. Ilang beses ko na rin kaya ito kinuskos at pinakintab dahil bibisita ang mga magulang ko. di ko na mabilang, marami ng nasaksihan ang sahig na to....naluluma ang sahig, napupupod ang walis, pero nandito pa rin ako, ang pamilya ko, buo pa din...at kahit na para akong walis na napupudpod at sahig na naluluma, patuloy pa rin akong lalaban sa buhay...laban mga kapatid! ipanghataw ang walis sa lumilipad na ipis! hahahaha
Comments
Post a Comment