o pandesal ko! :)



Magandang umaga po, hehe pasensya na maaga po akong naaning o naaliw. kahit ganyan yang tinapay nayan e kinainin ko pa rin, sinawsaw ko lang sa kumukulong kape este mainit na kape pwede na kainin, la pa namang amag e hahahaha!
Gusto ko lang pong sabihin na wag po tayong gumaya sa pandesal na yan, wag po tayong maging bato. Wag po nating dayain ang mga sarili natin sa mga totoong nararamdaman natin, lalo na sa ating mga mahal sa buhay at malalapit na kaibigan. Kung may mga bagay na nakakasakit sa yo, magsabi ka, wala namang hindi nakukuha sa magandang usapan, di ba? Kesa naman sa maging bato ka, at di nagsasabi, ikaw din baka isawsaw ka sa kumukulong kape! :)

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas