Isang Umaga..kape tayo!
Ala singko ng madaling araw, habang umiinom ng kape sa may garahe, pinagmamasdan ko ang reflection ko sa body ng kotse. Alam nyo un, medyo malabo pero naaaninag pa din. Parang iba ang posisyon ko, kesa sa totoong pagkakaupo ko.
Hindi naman maginaw kanina. pero parang giniginaw ung nakikita ko.
mapaglaro ang utak, mapaglaro ang tadhana. Ramdam ko ang lakas sa sarili ko, pero mas naaninag ko isang nanginginig, giniginaw, at nanghihinang matandang babae sa harapan ko.
Kapag puno ng problema, kapag malungkot, kapag may sakit, kapag puno ng tanong na walang sagot, naging panlaban ko na ang tumawa at maging masaya sa gitna nitong lahat. Nagiging mas masaya ako kung alam kong napapasaya ko ang mga taong mahal ko...pero pilit itinatago ang lahat ng emosyon, takot, pangamba sa buhay.
Masama bang ikulong ang sarili mong emosyon?...masama bang itago ang ilan para sa sarili mo?...
Basta ang alam ko, walang taong laging masaya, walang perpekto, walang kasiguraduhan sa buhay...hai...lumamig na tuloy ang kape ko...
Inaantok pa siguro ako, ang aga-aga naman nito....maraming drama dahil lang sa nakita ko sarili ko sa harap ko, e madumi lang yata tong kotse namin....Rod! paki-linisan nga to, may impakto!!! :)

Comments
Post a Comment