Krak sa buhay ko...kape tayo!


Sarap pakinggan ng mga ibon sa umaga, pikit mo mata mo, para kang nasa probinsya...sabay daan ng maingay na traysikel, hay naku! panira talaga.
Napagmasdan ko tuloy ang semento namin sa garahe, puro krak na, ang pangit na tignan, binuksan ko ung gate at napansin ko na may tumubong halaman sa krak ng semento namin, damo nga lang pero halaman pa din na may buhay.
Ok din pala, nasira ung semento pero may buhay na umusbong. Parang buhay ko, buhay natin, di ito laging maayos, makinis at plantsado, minsan may mga krak din...dapat pala di tayo nagrereklamo kung may krak sa buhay natin, kasi un ang daan para sa magandang panimula...
Panginoon ...sana lahat po ng krak sa buhay ko ay tamnan po Nyo ng halaman at pagbubungahin ko po ito sa tulong po Nyo...amen

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas