Ala-singko na naman ng madaling araw...ehem, sori may pesteng ehem!
Wala pang araw, (natural! madaling araw nga e), kausap ko ang kaibigan ko thru text, sarap lang ng feeling kasi natuwa din sya dahil nakapasa si Redd sa UP diliman...madilim pa naguusap na kami, habang nagkakape, nakaupo sa may garahe at maraming insektong umaaligid at naghohover sa harap ko.
Wala lang, kwento dun kwento dito, kung ano almusal nya at some tips tungkol sa kursong gusto ng anak ko...
Hai...salamat naman at kahit di ako lumalabas ng bahay, may nakakausap pa rin na totoong kaibigan, kahit papano may kasama akong tumawa, mahirap naman kung lagi na lang akong mag-isa at tumatawa, baka may biglang dumampot na lang sa akin dito...minsan nga sabi ni Rod "Redd ba't ganyan mama mo tumawa, parang impakto!" hahahahahaha.
Kayo, meron ba kayong kaibigan na nakakausap kahit anong oras?, na handang dumamay sa kahit anong kadahilanan?. Na kayang ipagtanggol ka sa kahit anong gusot o problema?...
Ako meron..."Roooood!!! utangan kaya natin si _________?" hahahahahahahaha........
Tara mag almusal na tayo ng kape at pandesal na may matamis na bao! :)....magandang umaga sa inyong lahat!

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas