Walang title e! hahahahaha

Nakaupo ako mag-isa, habang pinagtyatyagaang panoorin ang wil time big time hehe.....di naman ako concentrated sa pinapanood ko, daming tumatakbo sa isip ko, para akong tulog habang nakadilat ang mata, at nakatitig sa tv. Di ko alam kung ano ang magyayari sa akin, tumatanda ba akong paurong, nagiisip bata na ba ako o sadyang dinapuan lang ng pagka-aning...mabuti na un kesa naman dapuan ako ng lamok na may dalang dengue.
Dami kong gustong gawin kasi, pero di ko alam kung ano un, o di ba ang gulo no?, mismong sarili ko naguguluhan sa utak ko. kasi naman kultado na utak ko sa kakaisip ng ideas sa trabaho ko, pati tuloy ung ibang gusto ko gawin di ko na maalala kung ano. Pakiwari ko marami akong nalampasan sa buhay ko na di ko nagawa..pero di ko naman malaman kung ano, wala lang pakiramdam ko lang.
Minsan iniisip ko kung nasan kaya ako ngaun kung sa ibang school ako naka-graduate, kung iba ang mga naging kaibigan ko, kung di ako naging artist, ano kaya ako ngaun?..palagay ko..artista sa radio...ewan!
Di naman sa nagrereklamo ako no, siguro napapagod lang, saan sa kakapanood ng tv? di no, sa pagtratrabaho!...pero nagpapasalamat nga ako, kasi dami pa rin trabaho, kaya lang minsan gusto kong maglaho! hahahahaha..maging imbisibol!
Siguro may hinahanap lang ako...ano kaya un?...ah bakasyon!, isang mahaba at makabuluhang bakasyon...mga isang araw!? hahahahaha.....
Ui gusto mo ba akong samahan? :)

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas