Door handle at peanut butter :)

Minsan pakiramdam ko door handle ako, kung wala ako e di hindi mabubuksan bahay ko! hahahaha....hai, lagi kang kailangan, taga salo ka ng maduduming kamay. Pero ano nga ba ang magagawa ko, ganun e... dapat daw mahalin mo ang ibinigay sa yong katungkulan at maging masaya dito kaso minsan ang dumi mo na, di ka man lang linisan, kaya tuloy nakakaisip ka ng di maganda, nabwibwisit...minsan lang naman hehe...nakakagawa ka rin ng kasalanan sa mga taong malapit sa u, syempre door handle nga e, lahat ng humahawak sa akin e, kasama ko sa bahay, ang gulo ko, na gets nyo ba?, palagay ko hindi...basta ganito na lang, wag nyong kalimutan ang mga taong naglilingkod sa inyo, lalo na ang mga mahal sa inyo, ipakita naman kahit minsan na a-appreciate nyo ang mga ginagawa nya, wag nyo syang gawing door handle ng bahay nyo, na laging hinahawakan at nadudumihan pero di man lang nyo maisip na linisan.

Speaking of "linisan"...in da mood ba kayo maglinis? tara kuha na ng peanut butter at basahan :)


Magpahid lang ng konting peanut butter sa door handle at punasan ng basahan, yan malinis na :)

Comments

  1. maganda pa lang panglinis ang peanut butter.... gagayahin ko yan.....:)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas