Si Melinda




Tanghali na ng magising si Melinda, isang kinse anyos na may katamaran. Naiwan syang nagiisa sa bahay, matapos syang gisingin ng makailang beses ng kanyang nanay, dahil dadalawin nila ang tyuhin nyang may sakit sa Tarlac, napagod na ang nanay nya kaya nagdisisyon na iwan na lang sya. Medyo naalimpungatan at nagtaka bakit sya iniwan, hanggang sa naalala nya ang sinabi nya kanina na, "kayo na lang ang umalis, inaantok pa ako".
Lumaki si Melinda na mapag-isa, may kapatid syang lalaki na mas bata sa kanya. Tindera sa palengke ang nanay nya, at may lasengong ama.
Wala syang magawa nung araw na yon, kaya naisipan nyang maghalungkat ng mga lumang litrato..."hmm, nakakatuwa naman ang mga ito, panahon pa yata ito ng giyera"...pero may napansin syang kakaiba, wala syang makitang litrato nung sya ay baby pa... "hmm, bakit ang kapatid ko meron, hindi ba ako bininyagan?"...sige pa sya sa halungkat, hanggang sa makita nya ang lumang sulat ng isang babae at tumatak sa isip nya ang mga katagang "sa iyo na ang anak ko, bunga sya ng pagkakamali, pasalamat sya at binuhay ko pa sya".
Kinutuban si Melinda, nalito, tumayo at tumingin sa paligid...walang  aparador, walang kurtina sa bintana, isang kwartong maliit...isang hospital.
Hindi na kinse anyos si Melinda, 55 na sya...Pinamigay sya ng tunay nyang ina sa isang kaibigan nito. Lumaki si Melinda sa di kagandahang pamilya at kapaligiran. Pagmamaltrato sa kangyang kimilalang ina at pagmumulestya sa ama-amahan. Kinse anyos nung nalaman nya ang buong pagkatao nya, at dahil sa  murang edad at pagiging rebelde, di nya to nakayanan, at nabaliw. At dahil dito, paulit-ulit nya tong naaalala, dito huminto ang buhay nya. sampung taon na syang inaalagan sa loob ng mental hospital, at malamang na manatili dito habang buhay.
Maraming ina ang gumagawa ng ganito iniiwan kahit saan ang anak....bakit? kahirapan ba?..unwanted child?...Naniniwala nga ako na wala daw inang makakalimot sa anak nya, pero mali ako, MERON!!!...mahirap magpalaki, magalaga at magpaaral ng anak, pero hindi mahirap magmahal, kapag nagmahal ka, lahat kaya mong gawin.


Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas