Iisa lang



Iisa lang

Iisa lang ang langit
na natatanaw
Iisa lang ang sumisikat
na araw
Ang init na dampi nito
sa aking katawan
Ay sya mo ring
nararamdaman

Iisa lang ang buwan
pagsapit ng gabi
Na nagbibigay liwanag
kung san ka namamalagi
Mga tala sa langit
na di mabilang
Iginuguhit ang iyong
larawan

Iisa lang ang mundong
ginagalawan
Iisa lang ang hangin
na hinihingahan
Ngunit may isa akong
katanungan
Iisa rin kaya ang ating
nararamdaman?

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas