Ang sulat



Nakatanggap ng sulat si Elena, galing ito kay Miguel. Isang sulat na nagpaluha at nagpangiti sa kanya.

Si Elena ay isang simpleng babae na taga probinsya ng Batag. Nagkakilala sila ni Miguel sa simbahan, nagpamisa kasi ang mga kaanak ni Elena doon dahil araw ng kamatayan ng kanyang tyuhin. Mabait si Miguel kaya madaling napalapit sa kanya si Elena. dito nagsimula ang kanilang pag-iibigan.
Madalas syang dalawin ni Elena at nagdadala pa ito ng prutas, minsan naman ay ulam. Madalas din silang magpupunta sa burol pagsapit ng dilim. malayo sa mga mata ng taong bayan. Kwentuhan, tawanan at minsan katahimikan...magkahawak ang mga kamay at minsan kapag hinalikan ni Elena si miguel sa pisngi, tanging mahigpit na yakap lang ang tugon sa kanya ni Miguel.

Ang relasyon nilang dalawa ay isang lihim, ngunit isang gabi, may nakakita sa kanila habang sila ay naglalakad ng sabay patungong burol. Mabilis kumalat ang mga usapan, na kadalasan ay may mga dagdag na, maraming kasing tsismosa...hmmm lihim? may asawa kaya si Miguel?...wala....sa katunayan, binatang binata sya.

Dahil sa mga kumakalat na tsismis, madalas manalangin si Elena sa simbahan, humihingi ng awa at tulong sa Panginoon..."Panginoon, tulungan mo po ako sa lahat ng pagsubok na ibinigay Nyo. Marupok lang ako at makasalanan, sana ay mapatawad Nyo ako sa pagmamahal ko kay Miguel".

Nagdesisiyon si Miguel na lumayo, nagpadestino sya sa malayong lugar upang doon magtrabaho, at isang sulat ang iniwan nya kay Elena...
"Elena mahal ko, patawarin mo sana ako sa nagawa ko sa yo. Alam natin pareho na ito ang tama, hindi ko sinasadya na umibig sa iyo. Patawarin mo ako sa lahat ng sakit na naidulot ko. Hinding hindi kita malilimutan at ipapanalangin ko na maging maligaya ka habang buhay...paalam, Miguel".

Yan ang istorya ng pag-iibigan ni Elena at Father Miguel.

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas