Mabuto pero matamis...



Salamat sa kapitbahay namin, libre ang bayabas...sabi nila kapag makinis at makintab na ang balat, pwede na ito kainin. Hindi mo aakalain na sa kinis ng balat nya e puro buto pala ang loob, minsan pa nga kabag malambot na ito e siguradong may uod pang kasama.
Alam nyo ba ba kung papano nakakapanlinlang ang labas na kaanyuan? Maraming naglipana sa atin ang napakahusay at napakaganda sa panlabas na anyo pero burak naman ang kalooban. Marami din ang kinaiinggitan dahil napakasagana nila sa buhay pero di mo akalain na napakagulo pala ng buhay nila...hmm...pero para sa akin ang bayabas ay tulad ng buhay, mas gugustuhin mong puro balat na lang at wala na sanang buto, wala sanang uod na parang unti unti kang kinakain. Pero alam nyo ba na ang buto ang matamis na parte ng bayabas? sa buhay natin para itong problema na laging nakakabit sa mga balat natin, na kapag wala ito, wala tayong matututunan at hindi rin tayo tatatag. Kahit minsan na punong puno tayo ng "buto" sa buhay natin at parang gusto na nating sumuko, sa bandang huli ito pa din ang nagpapatamis sa buo nating pagkatao. At di tayo papayag na uudin na lang at di lumaban.
Matamis ang bayabas lalo na kapag hinog...matamis din ang buhay lalo na kung marami kang buto na pinaglaban, kinaya at pinagtiisan at hindi sinukuan... 

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas