Sonia at Azon (short story)




Sila Sonia at Azon ay magkapatid, kambal sila. Si Azon ay tahimik, samantalang si Sonia ay masayahing bata. nakatira sila kasama ang kanilang magulang at nakababatang kapatid na lalaki na si Boyet, sa isang malayong probinsya.
Isang araw, humangangos pauwi si Sonia, luhaan at sumisigaw ng saklolo. Nalunod ang kapatid nyang si Azon sa ilog habang sila ay naliligo. Marami ang taga-roon ang nagtaka, dahil mahusay si Azon lumangoy kahit pa noong maliit pa sya. Dahil dito nabalot ng kalungkutan si Sonia.
Tahimik ang bayan nila, maliban sa paminsan minsang mga kwento na di pangkaraniwan, tulad ng may gumagala daw na mabangis na hayop sa lugar nila.
Isang gabi hindi mapakali si Sonia, nagpunta sya sa may ilog, tila balisa. Nang marinig nya ang hiyaw ng kanyang ina..."Diyos ko!!!"...dali dali syang umuwi, nakita nya ang kanyang kapatid na si Boyet, duguan, laslas ang dibdib...may nakita syang anino na papalayo, sinundan nya ito. Sugatan na ang paa ni Sonia sa kakahabol, napunta na sya sa gitna ng kakahuyan, at parang bula na biglang nawala ang hinahabol nya. Nagpasya syang bumalik sa kanilang bahay, nakita nya ang mga taong bayan na nagipon ipon sa harapan ng kanilang bakuran. Tumakbo sya papalapit at sinabi "hahanapin nyo ba ang pumatay sa kapatid ko?, sasama ako!"....nang bigla syang hinawakan sa magkabilang kamay ng dalawang lalaki. "Bitawan nyo ako! Ano ba?!!!"...Umatungal sa pagiyak ang kanyang ina habang bitbit ng kanyang ama ang walang buhay nyang kapatid..."patawarin mo kami anak, wala na kaming magagawa kundi ang ipakulong ka, kailangan mo ng tulong, mahal na mahal ka namin"... "Anong nagawa ko inay?!..."patawarin mo kami, AZON!".

Hindi si Azon ang namatay kundi si Sonia, at hindi ito nalunod, pinatay ito ni Azon, at nabuhay si Azon sa katauhan ni Sonia. Nilihim ito ng mga magulang nya para hindi kunin ng taong bayan si Azon. Bata pa si Azon, meron na syang diperensya sa pagiisip, pero habang lumalaki sya, lumalala din ang sakit nya. Itinago sya ng kanyang mga magulang, hanggang sa ikulong nila ito sa kwarto. Nakatakas sya nung gabing yon at napatay ang kanyang kapatid na si Boyet.
Lahat gagawin ng magulang nya, wag lang syang malayo sa kanila, hindi mapapantayan ang pagmamahal sa kanya ng kanyang mga magulang. Pero minsan sa ganitong pagkakataon, mas nakakasama pala itago sya at hindi bigyan ng tulong medical.
Minsan dahil na rin sa sobrang pagmamahal, nagkakamali tayo sa ating mga desisyon.

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas