Nang Makapulot Ako Ng Wallet



Nakapulot ako ng wallet habang naglalakad pauwi. Kanino kaya ito?, dinukot siguro ito at hinagis na lang basta sa daan pagkakuha ng pera. Binuksan ko at bumungad sa akin ang isang family picture na naninilaw na sa kalumaan. Hay pagod na ako, mabuti naman at malapit na ang bahay ko. Pagpasok ko direcho agad sa kwarto at inilatag ko sa higaan ko lahat ng laman ng wallet. gusto kong ibalik ang wallet na ito sa may-ari. Hay ang daming laman na kung ano-ano, palagay ko sya itong tatay sa family picture, 1972 pa ang nakasulat sa likod ng litrato. May baby picture, may dedication sa likod galing sa apo nya. Balat ng Juicy fruit, palagay ko ito ang nginuya-nguya nya habang ipinanganganak ang panganay nya. isang lukot na resibo ng flower shop, bulaklak para siguro sa anibersaryo ng kasal nila ng misis nya. Isang driver license na kaka-expired lang. Para akong tumitingin ng mga memorabilya, isang museo ng buhay. napag-isip tuloy ako, wala kasi akong wallet, ang mga ID at cards ko ay nakatali lang ng goma, at kapag kailangan ng barya, dumudukot lang ako sa aking bulsa. Wala akong iniingatan na litrato o tinatagong lumang resibo.
Isang lumang wallet, isang lalagyan, di lang ng pera kundi lalagyan din ng mga ala-ala ng ating buhay. Wala ako nito, siguro panahon na para magkaroon din ako ng sariling wallet.
Bukas na bukas ay dadalin ko ang wallet na ito sa istasyon ng radyo para maibalik sa may-ari. Di ko sya kilala at di nya rin ako kilala pero sa wallet na ito, binago nya ang takbo ng buhay ko. Sana makuha nya ulit ang wallet nya, at ng maibalik ang mga naipon nyang magagandang alaala ng kanyang buhay.

...

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas