Ang Mundo



Tanghali na at tirik na tirik ang araw, pero nakikita ko pa ang buwan, palibhasa walang ulap. naiisip ko lang kung may taong nabubuhay dun, baka biglang kumaway sa akin at ayain akong magpunta doon. At parang isang mahika na hilahin nya akong paakyat sa langit...lumipad...at matanaw ko naman ang mundo natin sa kakaibang perspektibo. Ano kaya ang itsura ng mundo kapag nasa buwan na ako? Ang mundong kinikilusan ko sa bawat segundo ng buhay ko. ang mundong bumuhay sa akin. Ang mundong sumisira din sa akin. Minsan na akong bumuo ng sarili kong mundo, simple pero masaya. Tahimik pero puno ng buhay. Nakakapagtaka na tila nagunaw ito sa isang iglap. Isang kisap mata, naglaho ito na parang bula. Gusto kong matanaw ito mula sa buwan, baka sakaling makita ko ito ulit. Nakakalungkot, di ko man lang napansin ang pag-guho nito.
Masarap sigurong tumanaw galing sa buwan, makikita ko mula dito ang mundo ng nakararami, isang mundong magulo...mundong di mo mapaliwanag kung ano ba talaga ang gustong ipagawa sa iyo... na kahit ayaw mo ay wala kang magagawa kundi umayon.  Napakaliit nito at tila kaya kong hawakan sa aking mga palad at paiikutin sa aking kamay...at pipilitin kong hanapin ulit ang mundong akin lang...ang mundo kong naglaho sa kapal ng ulap... 

....

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas