"Mahal Kita Emma"
 by Nogie


Malakas ang ulan at hangin, inabot na si Emma sa daan. Si Emma ay isang call center agent, kaya gabi na sya umaalis ng bahay para pumasok sa opisina. Nagkataon na may bagyo ng gabing yun, pero kailangan pa rin nyang pumasok. Habang naglalakad sa kasagsagan ng malakas na bagyo, at halos baha na ang nilalakaran nya, may biglang tumawag ng pangalan nya sa may likuran nya....."Emma!!!" ....napalingon sya pero sa lakas ng ulan di nya maaninag kung sino. Napahinto sya sa paglalakad para tignan kung sino, pero bigla naman itong nawala. Di na nya ito pinansin at naglakad na ulit.
Tumayo sya may kanto kung san sya nag-aabang palagi ng masasakyan... naghintay....naghintay ng naghintay pero walang dumadating na sasakyan. Napaisip sya kung uuwi na lang ba sya, nang biglang may tumabing lalaki sa kanya at ang sabi ..."Pambihira! Emma naman, pag di mo ko pinansin?, may gusto lang akong sabihin".
Nagulat si Emma, nagtaka kung sino ang lalaki, kung kilala nga ba nya 'to, at bakit alam ang pangalan nya?.
Di nya 'to pinansin, sa halip, nagmadali syang naglakad ulit pauwi. 
Naka-uwi na  si Emma, at nanghihinayang sa pagod nya, dapat di lang sya nagpumilit pumasok. Pero di sya mapakali kung sino talaga ang lalaking nakita nya, tila wala nga itong mukha o sadyang malakas lang talaga ang ulan, kaya di nya maaninag ang mukha nito.
Umaga na ng umalingawngaw ang balita na namatay si Baron.

Balikan natin ang nakaraan ni Emma, si Emma ay isang mabait at masayahing babae. Di naman sya kagandahan pero ligawin sya. Meron syang natatanging kaibigan at kababata na si Baron. May mga naging boyfriend na din si Emma pero ang hindi nya alam may lihim na pagmamahal si Baron sa kanya. Nahihiyang magsabi ni Baron kasi baka daw masira ang pagkakaibigan nila. Lagi syang nasa tabi ni Emma sa lahat ng pagkakataon, may problema man o wala. Tila manhid lang talaga si Emma sa pagmamahal ni Baron o talagang mahal nya lang 'to bilang isang kaibigan.

Nung gabing bumabagyo, ang di alam ni Emma, sinundan sya ni Baron, para pigilan syang pumasok sa opisina dahil baka lang mapano sya dahil may bagyo nga. Pero sa kasamaang palad, nadulas si Baron at nabagok ang ulo sa batuhan at namatay. Nung umuwi si Emma ng gabing yun, sa ibang kalye sya dumaan dahil tumataas na ang tubig baha sa dati nyang dinadaan.

Posible bang si Baron nga ang nakita nya nung gabing yun? ...at handa na itong magsabi ng "mahal kita Emma" kahit isa na lang itong kaluluwa?

Photo credit: Navesh Chitrakar

Comments

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas