"Sana bukas na"


Pinagmamasdan ang relo na nakasabit sa dingding, sabay tingin sa relo sa kamay.... tik tak tik tak lumilipas ang oras na tila walang nangyayari. Kumikilos ang katawan na tila wala namang natatapos. Naglalakad ang mga paa pero wala namang nararating. Kumukumpas ang kamay pero tila nakagapos. May taong nakapaligid pero tila nagiisa... Masaya pero tila walang saysay, katahimikang nakakabingi, ingay na nakakatulala.
Nakaraang pinalampas mo na nais mong balikan, kinabukasan na pilit hinahabol pero di maabutan. Nabubuhay sa kawalan, at isip ay lumulutang.
Gusto mong gumalaw, kumilos ayon sa gusto mo, gusto mong gawin ang nakakasaya sa iyo, maging malaya sa lahat ng pagkakataon. Lumipad na parang ibon...lumipad ng lumipad...
Darating ba ang pag-asa na hinihintay mo? Maipapaliwanag ba ang lahat ng nangyayari sa iyo? May rason ba sa lahat ng ito? Ito'y mga pakiramdam na hindi pwedeng ipaliwanag, mahirap intindihin dahil walang dapat intindihin.
Ang kalungkutan ay pakiramdam lamang... alam mong di ka nag-iisa. makinig di lang gamit ang tenga pero pati ang iyong puso. Ang dulo ay mararating kung iiwasang umatras. Wag ng magtanong kung alam mo namang walang sagot, at tanggapin ang mga bagay na nakalipas na. Ang bawat minuto ay dumadaan na mas mabilis pa sa inaasahan, di dapat sayangin sa mga walang kwentang pagmumukmok at walang tigil na hinaing. Ang krus ay nakapatong sa kanya kanyang balikat at dapat pasanin sa naaayon na lakas.

....Ako'y malungkot sa araw na ito, pero alam kong bukas ay panibagong araw at babawi ako.


Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Isa munang patalastas! :)

Ang Pitong huling wika ni Hesus...ayon sa buhay ko

...palaspas