Ito ang merienda ko kahapon habang nag wowork, kape at KAMOTE!. Maganda daw to sa katawan natin kasi fiber to... May tanong lang ako, bakit nangangamote ang tawag sa yo, kapag nahihirapan kang gawin ang isang bagay? ... Naisip ko lang ha, dahil ba ito ang pagkain ng mahihirap?...ganun kasi di ba, kapag kamote na ang kinakain mo e, mahirap ka na at wala ka ng pambili ng bigas at ulam...marami sa atin ang ganyan ang isip, pero alam nyo ba na di lang mahirap ang kumakain ng kamote no, mayaman o mahirap kumakain nyan..sa mayaman "sweet potato Souffle" sa mahirap "nilagang kamote" hehe joke lang po...paborito po yan ng maraming pinoy, mahirap man o mayaman, ilaga mo lang tas sawsaw mo sa asukal o bagoong isda o plain lang, matamis naman kasi to e... masarap din tong gawing french fries o kamote-Q... Pero ito pa ang isang tanong ko, bakit kapag nagagalit sinsabihan ka ng "anak ka naman ng kamote o!"? ...di ko na alam ang sagot dyan hahahaha...
Comments
Post a Comment