Posts

Alikabok ng kahapon

Image

Nang Makapulot Ako Ng Wallet

Image
Nakapulot ako ng wallet habang naglalakad pauwi. Kanino kaya ito?, dinukot siguro ito at hinagis na lang basta sa daan pagkakuha ng pera. Binuksan ko at bumungad sa akin ang isang family picture na naninilaw na sa kalumaan. Hay pagod na ako, mabuti naman at malapit na ang bahay ko. Pagpasok ko direcho agad sa kwarto at inilatag ko sa higaan ko lahat ng laman ng wallet. gusto kong ibalik ang wallet na ito sa may-ari. Hay ang daming laman na kung ano-ano, palagay ko sya itong tatay sa family picture, 1972 pa ang nakasulat sa likod ng litrato. May baby picture, may dedication sa likod galing sa apo nya. Balat ng Juicy fruit, palagay ko ito ang nginuya-nguya nya habang ipinanganganak ang panganay nya. isang lukot na resibo ng flower shop, bulaklak para siguro sa anibersaryo ng kasal nila ng misis nya. Isang driver license na kaka-expired lang. Para akong tumitingin ng mga memorabilya, isang museo ng buhay. napag-isip tuloy ako, wala kasi akong wallet, ang mga ID at cards ko ay nakatali...

Ang Mundo

Image
Tanghali na at tirik na tirik ang araw, pero nakikita ko pa ang buwan, palibhasa walang ulap. naiisip ko lang kung may taong nabubuhay dun, baka biglang kumaway sa akin at ayain akong magpunta doon. At parang isang mahika na hilahin nya akong paakyat sa langit...lumipad...at matanaw ko naman ang mundo natin sa kakaibang perspektibo. Ano kaya ang itsura ng mundo kapag nasa buwan na ako? Ang mundong kinikilusan ko sa bawat segundo ng buhay ko. ang mundong bumuhay sa akin. Ang mundong sumisira din sa akin. Minsan na akong bumuo ng sarili kong mundo, simple pero masaya. Tahimik pero puno ng buhay. Nakakapagtaka na tila nagunaw ito sa isang iglap. Isang kisap mata, naglaho ito na parang bula. Gusto kong matanaw ito mula sa buwan, baka sakaling makita ko ito ulit. Nakakalungkot, di ko man lang napansin ang pag-guho nito. Masarap sigurong tumanaw galing sa buwan, makikita ko mula dito ang  mundo ng nakararami, isang mundong magulo...mundong di mo mapaliwanag kung ano ba talaga ang gu...

Ang sulat

Image
Nakatanggap ng sulat si Elena, galing ito kay Miguel. Isang sulat na nagpaluha at nagpangiti sa kanya. Si Elena ay isang simpleng babae na taga probinsya ng Batag. Nagkakilala sila ni Miguel sa simbahan, nagpamisa kasi ang mga kaanak ni Elena doon dahil araw ng kamatayan ng kanyang tyuhin. Mabait si Miguel kaya madaling napalapit sa kanya si Elena. dito nagsimula ang kanilang pag-iibigan. Madalas syang dalawin ni Elena at nagdadala pa ito ng prutas, minsan naman ay ulam. Madalas din silang magpupunta sa burol pagsapit ng dilim. malayo sa mga mata ng taong bayan. Kwentuhan, tawanan at minsan katahimikan...magkahawak ang mga kamay at minsan kapag hinalikan ni Elena si miguel sa pisngi, tanging mahigpit na yakap lang ang tugon sa kanya ni Miguel. Ang relasyon nilang dalawa ay isang lihim, ngunit isang gabi, may nakakita sa kanila habang sila ay naglalakad ng sabay patungong burol. Mabilis kumalat ang mga usapan, na kadalasan ay may mga dagdag na, maraming kasing tsismosa...hmmm l...

Sonia at Azon (short story)

Image
Sila Sonia at Azon ay magkapatid, kambal sila. Si Azon ay tahimik, samantalang si Sonia ay masayahing bata. nakatira sila kasama ang kanilang magulang at nakababatang kapatid na lalaki na si Boyet, sa isang malayong probinsya. Isang araw, humangangos pauwi si Sonia, luhaan at sumisigaw ng saklolo. Nalunod ang kapatid nyang si Azon sa ilog habang sila ay naliligo. Marami ang taga-roon ang nagtaka, dahil mahusay si Azon lumangoy kahit pa noong maliit pa sya. Dahil dito nabalot ng kalungkutan si Sonia. Tahimik ang bayan nila, maliban sa paminsan minsang mga kwento na di pangkaraniwan, tulad ng may gumagala daw na mabangis na hayop sa lugar nila. Isang gabi hindi mapakali si Sonia, nagpunta sya sa may ilog, tila balisa. Nang marinig nya ang hiyaw ng kanyang ina..."Diyos ko!!!"...dali dali syang umuwi, nakita nya ang kanyang kapatid na si Boyet, duguan, laslas ang dibdib...may nakita syang anino na papalayo, sinundan nya ito. Sugatan na ang paa ni Sonia sa kakahabol, nap...

Iisa lang

Image
Iisa lang Iisa lang ang langit na natatanaw Iisa lang ang sumisikat na araw Ang init na dampi nito sa aking katawan Ay sya mo ring nararamdaman Iisa lang ang buwan pagsapit ng gabi Na nagbibigay liwanag kung san ka namamalagi Mga tala sa langit na di mabilang Iginuguhit ang iyong larawan Iisa lang ang mundong ginagalawan Iisa lang ang hangin na hinihingahan Ngunit may isa akong katanungan Iisa rin kaya ang ating nararamdaman?

Sa kamote sasablay :)

Image