Posts

Trabaho lang, walang okrayan :D

Image

May isang Ina...

Image
May isang ina, tawagin natin syang Lu, at ang anak nyang babae na si Maria... Mahal na mahal ni Lu ang anak nyang si Maria, palibhasa panganay ito. Lagi nyang dinadala si Maria sa doktor, sa katunayan nga e, buwan buwan nya tong pinatitignan. Wala namang sakit si Maria, pero gusto nya to alagaan ng husto. Binibigyan nya si Maria ng dekalidad na bitamina at masusustansyang pagkain. Sa gabi bago matulog kinukwentuhan ni Lu si Maria at kinakantahan pa nga nya ito. Maraming pangarap si Lu sa anak nya, gusto nya itong lumaki ng malusog at maging masaya. Medyo malikot si Maria, isang araw nga dahil sa kalikutan nito, pareho silang nadulas sa banyo, pero ok lang naman. Habang lumalaki si Maria, lalo syang napapamahal kay Lu, binibilan pa sya ng magagandang damit at laruan. Pero isang araw, itinakbo sya ni Maria sa hospital, di na sya gumalaw at di na rin tumitibok ang puso nya. Sa sobrang pagkabigla, halos di makakibo si Lu sa nangyari. Di nya alam kung ano nangyari, sa katunayan si...

Sakay tayo sa bus :)

Image
Ito ang bus na kung tawagin ay JD transit. Paborito ko tong sakyan nung nagaaral pa ako sa MCU sa Caloocan. Medyo mabagal nga lang, pero pakiramdam ko safe ako sa bus na to, na gawa sa lawanit! hahahaha...pag umuulan at nagsara ka ng bintana, sooooobrang init!!!! At ung mga uniform ng mga kundoktora ay kulay pink na super tigas kasi laging naka-almirol, bawal daw magusot. Pag umuuwi ako galing sa MCU, humihinto sila sa may bagong barrio yata un para magpacheck ng ticket. Tigas pa ng upuan! hahahaha... Ito naman ang love bus, wow sosyal to kasi aircon, di ka pagpapawisan, Kaya love bus ang tawag dito kasi puro dalawahan lang ang upuan, at malambot syempre. Nakalimutan ko na kung san ang byahe nito, pero sa pagkakatanda ko dumadaan to ng espanya e, pero ewan ko lang ha, basta nakakarating to sa AliMall, wow hahahahaha!...tsaka nakalimutan ko na din kung sino kasama kong sumasakay dito...hehe....kaya lang nung naluma na, ginamit na service ng MMDA. :( Ito pa mas sos...

Isang maulan na araw

Image
Maaga pa lang lumabas na sya ng bahay, sa sobrang pagkabagot at pagkainis. Dala nya lang e payong na pula, dahil maulan, actually malakas ang ulan. Wala syang pakialam kung ano pa ang suot nya, basta makaalis lang, kaso wala naman syang dalang pera, san naman sya makakarating, "hai bahala na!" yan ang sabi nya, basta kahit isang araw man lang makawala sya sa sobrang pagod sa buhay nya. Palipat lipat na sya ng bus at jeep, hanggang sa maisipan nya sumakay ng MRT, kasi di talaga nya alam kung saan sya pupunta. Palinga-linga sa loob ng tren, nang biglang nag-iba ang tingin nya sa paligid, parang lumabo lahat ng nasa paligid nya at may humaltak sa kamay nya, Itinakbo sya nito habang ang paligid ay nagmukang hardin ng palasyo, isang malawak na hardin na halos di mo matanaw ang dulo nito. Nag-umpisang lumiwanag at sumikat ang araw, pero nakahawak pa rin sa kamay nya ang taong humaltak sa kanya. Tinignan nya to at kinilala..."sino ka ba?, kilala  ba kita?"...Tinitiga...

Lalaki...sino? ako?!

Image
Kung mamatay ako at mabibigyan ng pagkakataon na mabuhay ulit, gusto ko sanang maging isang lalaki, ung tunay na lalaki ha. Pakiramdam ko kasi mas lalaki pa ako sa mga lalaki! hahahaha..lalaking iyakin!. Napatunayan ko na yan, hindi biro lang...sa totoo lang mahirap maging isang babae, opinyon ko lang naman yan. Para sa akin nahirapan ako dahil babae ako, sana ginawa na lang Nya akong lalaki... Nagtataka kasi ako kung bakit ako babae, tapos ipapagawa lang pala sa akin ang papel ng isang lalaki. Ung dadamdamin ko babae, pero kailangan ng tapang at tatag ng tulad ng sa lalaki. Utak daw ang pairalin at tigasan ang puso, palakasin ang mga braso at tibayan ang paninindigan...bumuhay ng pamilya at ibigay lahat ang lakas mo sa mga bagay na magpapatatag sa kanila. Nakakainggit sila!..ha ano daw?!...huh! kanino? hehe joke lang...wala naman dapat kaiinggitan...minsan pinagmamalaki ko pa na para akong lalaki...nakasanayan ko na yan...sanay na ako, kaya sana lalaki na lang ako...di ko kail...

Ngiti lang... :)

Image
Alam nyo ba na maraming benipisyo ang pag ngiti? Una gaganda ka, muunat ang mga balat mo, at magmumukha kang bata, mukha ha, at di ang isip. Di rin matatakot ang mga tao sa yo, di tulad ng pag nakasimangot ka, di ka malapitan kala nila kakainin mo sila ng buhay. Nakakatanggal din ito ng stress, pag stress ka, nakikita kaya un sa mukha mo, para kang nilamukos na papel, pag nag smile ka kahit papano mababawasan stress mo di ba?. Ngumiti lang tayo kasi nakaka-boosts din ng immune system, masaya ka na iwas ka pa sa sipon at ubo...totoo yan, ang pag smile ay nakakapag release ng endorphins at natural pain killer, imagine natural drug pala ang pag ngiti di kailangan ng reseta.  Di naman nakakapagod ang pag ngiti, ewan ko lang ung mga adik magpa picture, he-he...Ang ganda siguro kung ang lahat ng makakaharap mo e nakangiti sa yo, tanggal ang problema, at pagod mo, di ba? Kaya wag natin kalimutang ngumiti, kahit di perpekto ang buhay, maraming mali at problema...makakapagbigay pa tayo...

Palubog na araw...

Image
Palubog na ang araw ng buhay ko, sumikat na ba ito?...oo naman, maraming panahon din 'tong tirik at sobrang init. Akala ko di na ito lulubog, pero bakit? Gusto ko pa sanang humabol, marami pang kong kailangan gawin, maraming bagay pa ang kailangan ng liwang ng araw. Kailangan ko pa tong makuha, maalagaan at maitago. Pero bakit ganun?...bakit ngayon?...bakit di malaman ang dahilan, bakit di pa pwedeng dumilim? Di pa ko nakakarating sa pupuntahan pero parang gusto ko nang bumalik. Di ko pa napapatunayan, at di rin ako mapaniwalaan. Sana marami pang oras at panahon para magawa ko lahat ng dapat kong gawin.  Sa kabila ng paghina ng loob at paghina ng katawan, kawalan ng lakas, bakit ngayon pa? Parang di ko na kaya pang tumaggap ng anong klase pang sakit ng kalooban... Palubog na ang araw ng buhay ko, sana mapasikat ko pa ito ng konti, kahit konti lang, para magampanan ko ang nakatakdang hamon pa ng buhay ko...gusto ko pa itong magawa sa konting sinag pa ng araw.