Posts

Lalaki...sino? ako?!

Image
Kung mamatay ako at mabibigyan ng pagkakataon na mabuhay ulit, gusto ko sanang maging isang lalaki, ung tunay na lalaki ha. Pakiramdam ko kasi mas lalaki pa ako sa mga lalaki! hahahaha..lalaking iyakin!. Napatunayan ko na yan, hindi biro lang...sa totoo lang mahirap maging isang babae, opinyon ko lang naman yan. Para sa akin nahirapan ako dahil babae ako, sana ginawa na lang Nya akong lalaki... Nagtataka kasi ako kung bakit ako babae, tapos ipapagawa lang pala sa akin ang papel ng isang lalaki. Ung dadamdamin ko babae, pero kailangan ng tapang at tatag ng tulad ng sa lalaki. Utak daw ang pairalin at tigasan ang puso, palakasin ang mga braso at tibayan ang paninindigan...bumuhay ng pamilya at ibigay lahat ang lakas mo sa mga bagay na magpapatatag sa kanila. Nakakainggit sila!..ha ano daw?!...huh! kanino? hehe joke lang...wala naman dapat kaiinggitan...minsan pinagmamalaki ko pa na para akong lalaki...nakasanayan ko na yan...sanay na ako, kaya sana lalaki na lang ako...di ko kail...

Ngiti lang... :)

Image
Alam nyo ba na maraming benipisyo ang pag ngiti? Una gaganda ka, muunat ang mga balat mo, at magmumukha kang bata, mukha ha, at di ang isip. Di rin matatakot ang mga tao sa yo, di tulad ng pag nakasimangot ka, di ka malapitan kala nila kakainin mo sila ng buhay. Nakakatanggal din ito ng stress, pag stress ka, nakikita kaya un sa mukha mo, para kang nilamukos na papel, pag nag smile ka kahit papano mababawasan stress mo di ba?. Ngumiti lang tayo kasi nakaka-boosts din ng immune system, masaya ka na iwas ka pa sa sipon at ubo...totoo yan, ang pag smile ay nakakapag release ng endorphins at natural pain killer, imagine natural drug pala ang pag ngiti di kailangan ng reseta.  Di naman nakakapagod ang pag ngiti, ewan ko lang ung mga adik magpa picture, he-he...Ang ganda siguro kung ang lahat ng makakaharap mo e nakangiti sa yo, tanggal ang problema, at pagod mo, di ba? Kaya wag natin kalimutang ngumiti, kahit di perpekto ang buhay, maraming mali at problema...makakapagbigay pa tayo...

Palubog na araw...

Image
Palubog na ang araw ng buhay ko, sumikat na ba ito?...oo naman, maraming panahon din 'tong tirik at sobrang init. Akala ko di na ito lulubog, pero bakit? Gusto ko pa sanang humabol, marami pang kong kailangan gawin, maraming bagay pa ang kailangan ng liwang ng araw. Kailangan ko pa tong makuha, maalagaan at maitago. Pero bakit ganun?...bakit ngayon?...bakit di malaman ang dahilan, bakit di pa pwedeng dumilim? Di pa ko nakakarating sa pupuntahan pero parang gusto ko nang bumalik. Di ko pa napapatunayan, at di rin ako mapaniwalaan. Sana marami pang oras at panahon para magawa ko lahat ng dapat kong gawin.  Sa kabila ng paghina ng loob at paghina ng katawan, kawalan ng lakas, bakit ngayon pa? Parang di ko na kaya pang tumaggap ng anong klase pang sakit ng kalooban... Palubog na ang araw ng buhay ko, sana mapasikat ko pa ito ng konti, kahit konti lang, para magampanan ko ang nakatakdang hamon pa ng buhay ko...gusto ko pa itong magawa sa konting sinag pa ng araw. 

...colorful di ba?

Image
...dahil sa wala akong magawa. napagmasdan ko ung semento namin na puro krak...kinunan ko ng pic, tas ito na ang labas..ang resulta ng kabatuhan ko, colorful di ba? :D Minsan hindi lahat ng magandang nangyayari e galing sa maganda...kadalasan nga galing to sa pangit na karanasan sa buhay, at mula dito lumalakas ka, natututo at naisasaayos ang mga bagay-bagay para magkaron ng magandang resulta. Hindi ko sinabing sing bilis lang ng pag-gawa ko ng artwork na ito ang paglutas ng kahit na anong suliranin o problema, pero naniniwala ako na lahat ng problema e may solusyon, lahat ng lungkot e may katapat na saya...oo nga mahirap, madalas parang wala ng pag-asa, pero tulad ng artwork na ginawa ko, mula sa sementong malapit ng bumigay, e naging makulay pa ulit...

Kung pwede lang sana...

Image
Kung pwede lang sana, na di na bumangon; Kung pwede lang sana, na humilata na lang buong araw; Kung pwede lang sana, na hindi na mag-isip; Kung pwede lang sana, na hindi na mag-alala; Kung pwede lang sana, na hindi na mag-mahal; Kung pwede lang sana, na wala na lang problema; Kung pwede lang sana, na matapos na lahat; Kung pwede lang sana, na masabi mo lahat; Kung pwede lang sana, na umalis at tumakas; Kung pwede lang sana, na mawala na parang bula; Kung pwede lang sana, na maging malakas palagi; Kung pwede lang sana, na wala nang masasaktan; Kung pwede lang sana, na wala nang luha; Kung pwede lang sana, na manatli sa sarili kong mundo...dahil sa mundo ko, OK ako... Kung pwede lang sana... Lumulutang ang katauhan, sa lunod kong kaisipan;                    Bawat kampay ng mga kamay, pailalim ang hukay. ............................................................................................

SELF MOTIVATION BY DONALD LATUMAHINA

Image
While surfing the net, nabasa ko to, at gusto ko tong i-reblog para sa inyo...ay di pala, para sa akin pala, Sobrang low na ang spirit ko nitong mga nakalipas na buwan. Time na siguro para mag-isip naman ng tama, at ganahan magtrabaho....pero!!! may pero pa talaga no?!...magsusulat pa din ako ng mga kwentong anik-anik...kasi aning-aning ako e! hahahaha...o eto na...(kailangan may picture pa talaga...hehe pagbigyan nyo na) SELF MOTIVATION: How To Motivate Yourself People who are unable to motivate themselves must be content with mediocrity, no matter how impressive their other talents.  Andrew Carnegie If you want to excel in life, self motivation is essential. You must know how to motivate yourself. You must be able to keep your spirit high no matter how discouraging a situation is. That’s the only way to get the power you need to overcome difficulties. Those who are discouraged in difficult times are certain to lose even before the battle is over. The question is: h...

Ang mga Tala...

Image
Isang gabi, umakyat ako sa burol, medyo manipis ang suot ko at naka-tsinelas lang ng goma, nakalimutan ko na malamig pala ang panahon, kaya gininaw tuloy ako. Ang sarap dito, tanaw ko ang bayan, na tila mga tala sa lupa. Umihip pa ang malamig na hangin at ako'y napatingala... kaya kong marating ang bayan at lapitan ang mga talang nasa lupa, e ung talang nasa langit kaya, maaabot ko kaya un?...pinikit ang mga mata, sabay yakap sa aking nilalamig na mga braso, humampas ang malakas na hangin at tila natangay ako....ahhh, totoo ba to? nasa itaas na nga ba ako, hindi! lumilipad ako!!!..mas maganda dito, kay lapit ko sa mga tala sa langit. Ang gaang ng pakiramdam at di na rin maginaw. Nagsisilbing kumot ang mga ulap na tila nakaakap sa akin. Ang saya ko, ganito pala ang pakiramdam ng malayo sa lahat, walang problema at walang inaalala...sana ganito na lang araw-araw, ang saya at maaliwalas ang pakiramdam. Pero may natatanaw ako sa ibaba, mga munting talang naglalakad?...lumapit pa a...