Posts

Image
Ipiring ang mata Upang di kita makita Manatili ang diwa Sa panaginip mag-isa Ikulong ang puso Sa metal, kung saan Tibok di umalingawngaw Na ang sigaw ay IKAW... -gmc  :)

Masarap ba ang may hinihintay?

Image
Masarap ba ang may hinihintay? masarap ba ang may inaabangan?. Tulad ng sweldo na hinihintay kapag kinsenas at katapusan. Tulad ng weeekends kung saan pwede kang mamasyal o magpahinga sa nakakapagod na weekdays. Tulad ng paghihintay mo sa mga kaibigan o kapamilya na nawalay ng matagal tagal na panahon... Masarap, na malungkot, na masakit...yan ang paghihintay sa akin. Masarap.... kasi kahit papano may trabaho ako, kahit di regular, may hinihintay akong bayad. Malungkot... kasi minsan may mga bagay na hinhintay mong may magandang balita na sana, pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Masakit... kasi may hinhintay ka na alam mong wala na talaga pero hinihintay at inaabangan mo pa rin, pangako na alam kong napako na. Sa buhay natin marami kang hinihintay na mangyayari, pero di lahat naaayon sa gusto mo, kahit na ginawa mo na ang lahat wala pa din. Pero malay naman natin baka nahihiya lang ang kapalaran, kaya nagpapahintay sya :).  Ikaw? ...masarap ba maghintay? :)
Image
"Mahal Kita Emma"  by Nogie Malakas ang ulan at hangin, inabot na si Emma sa daan. Si Emma ay isang call center agent, kaya gabi na sya umaalis ng bahay para pumasok sa opisina. Nagkataon na may bagyo ng gabing yun, pero kailangan pa rin nyang pumasok. Habang naglalakad sa kasagsagan ng malakas na bagyo, at halos baha na ang nilalakaran nya, may biglang tumawag ng pangalan nya sa may likuran nya....."Emma!!!" ....napalingon sya pero sa lakas ng ulan di nya maaninag kung sino. Napahinto sya sa paglalakad para tignan kung sino, pero bigla naman itong nawala.  Di na nya ito pinansin at naglakad na ulit. Tumayo sya may kanto kung san sya nag-aabang palagi ng masasakyan... naghintay....naghintay ng naghintay pero walang dumadating na sasakyan. Napaisip sya kung uuwi na lang ba sya, nang biglang may tumabing lalaki sa kanya at ang sabi ..."Pambihira! Emma naman, pag di mo ko pinansin?, may gusto lang akong sabihin". Nagulat si Emma, nagtaka kung sino ang...

"Sana bukas na"

Image
Pinagmamasdan ang relo na nakasabit sa dingding, sabay tingin sa relo sa kamay.... tik tak tik tak lumilipas ang oras na tila walang nangyayari. Kumikilos ang katawan na tila wala namang natatapos. Naglalakad ang mga paa pero wala namang nararating. Kumukumpas ang kamay pero tila nakagapos. May taong nakapaligid pero tila nagiisa... Masaya pero tila walang saysay, katahimikang nakakabingi, ingay na nakakatulala. Nakaraang pinalampas mo na nais mong balikan, kinabukasan na pilit hinahabol pero di maabutan. Nabubuhay sa kawalan, at isip ay lumulutang. Gusto mong gumalaw, kumilos ayon sa gusto mo, gusto mong gawin ang nakakasaya sa iyo, maging malaya sa lahat ng pagkakataon. Lumipad na parang ibon...lumipad ng lumipad... Darating ba ang pag-asa na hinihintay mo? Maipapaliwanag ba ang lahat ng nangyayari sa iyo? May rason ba sa lahat ng ito? Ito'y mga pakiramdam na hindi pwedeng ipaliwanag, mahirap intindihin dahil walang dapat intindihin. Ang kalungkutan ay pakiramdam lamang......

Alikabok ng kahapon

Image

Nang Makapulot Ako Ng Wallet

Image
Nakapulot ako ng wallet habang naglalakad pauwi. Kanino kaya ito?, dinukot siguro ito at hinagis na lang basta sa daan pagkakuha ng pera. Binuksan ko at bumungad sa akin ang isang family picture na naninilaw na sa kalumaan. Hay pagod na ako, mabuti naman at malapit na ang bahay ko. Pagpasok ko direcho agad sa kwarto at inilatag ko sa higaan ko lahat ng laman ng wallet. gusto kong ibalik ang wallet na ito sa may-ari. Hay ang daming laman na kung ano-ano, palagay ko sya itong tatay sa family picture, 1972 pa ang nakasulat sa likod ng litrato. May baby picture, may dedication sa likod galing sa apo nya. Balat ng Juicy fruit, palagay ko ito ang nginuya-nguya nya habang ipinanganganak ang panganay nya. isang lukot na resibo ng flower shop, bulaklak para siguro sa anibersaryo ng kasal nila ng misis nya. Isang driver license na kaka-expired lang. Para akong tumitingin ng mga memorabilya, isang museo ng buhay. napag-isip tuloy ako, wala kasi akong wallet, ang mga ID at cards ko ay nakatali...

Ang Mundo

Image
Tanghali na at tirik na tirik ang araw, pero nakikita ko pa ang buwan, palibhasa walang ulap. naiisip ko lang kung may taong nabubuhay dun, baka biglang kumaway sa akin at ayain akong magpunta doon. At parang isang mahika na hilahin nya akong paakyat sa langit...lumipad...at matanaw ko naman ang mundo natin sa kakaibang perspektibo. Ano kaya ang itsura ng mundo kapag nasa buwan na ako? Ang mundong kinikilusan ko sa bawat segundo ng buhay ko. ang mundong bumuhay sa akin. Ang mundong sumisira din sa akin. Minsan na akong bumuo ng sarili kong mundo, simple pero masaya. Tahimik pero puno ng buhay. Nakakapagtaka na tila nagunaw ito sa isang iglap. Isang kisap mata, naglaho ito na parang bula. Gusto kong matanaw ito mula sa buwan, baka sakaling makita ko ito ulit. Nakakalungkot, di ko man lang napansin ang pag-guho nito. Masarap sigurong tumanaw galing sa buwan, makikita ko mula dito ang  mundo ng nakararami, isang mundong magulo...mundong di mo mapaliwanag kung ano ba talaga ang gu...

Ang sulat

Image
Nakatanggap ng sulat si Elena, galing ito kay Miguel. Isang sulat na nagpaluha at nagpangiti sa kanya. Si Elena ay isang simpleng babae na taga probinsya ng Batag. Nagkakilala sila ni Miguel sa simbahan, nagpamisa kasi ang mga kaanak ni Elena doon dahil araw ng kamatayan ng kanyang tyuhin. Mabait si Miguel kaya madaling napalapit sa kanya si Elena. dito nagsimula ang kanilang pag-iibigan. Madalas syang dalawin ni Elena at nagdadala pa ito ng prutas, minsan naman ay ulam. Madalas din silang magpupunta sa burol pagsapit ng dilim. malayo sa mga mata ng taong bayan. Kwentuhan, tawanan at minsan katahimikan...magkahawak ang mga kamay at minsan kapag hinalikan ni Elena si miguel sa pisngi, tanging mahigpit na yakap lang ang tugon sa kanya ni Miguel. Ang relasyon nilang dalawa ay isang lihim, ngunit isang gabi, may nakakita sa kanila habang sila ay naglalakad ng sabay patungong burol. Mabilis kumalat ang mga usapan, na kadalasan ay may mga dagdag na, maraming kasing tsismosa...hmmm l...

Sonia at Azon (short story)

Image
Sila Sonia at Azon ay magkapatid, kambal sila. Si Azon ay tahimik, samantalang si Sonia ay masayahing bata. nakatira sila kasama ang kanilang magulang at nakababatang kapatid na lalaki na si Boyet, sa isang malayong probinsya. Isang araw, humangangos pauwi si Sonia, luhaan at sumisigaw ng saklolo. Nalunod ang kapatid nyang si Azon sa ilog habang sila ay naliligo. Marami ang taga-roon ang nagtaka, dahil mahusay si Azon lumangoy kahit pa noong maliit pa sya. Dahil dito nabalot ng kalungkutan si Sonia. Tahimik ang bayan nila, maliban sa paminsan minsang mga kwento na di pangkaraniwan, tulad ng may gumagala daw na mabangis na hayop sa lugar nila. Isang gabi hindi mapakali si Sonia, nagpunta sya sa may ilog, tila balisa. Nang marinig nya ang hiyaw ng kanyang ina..."Diyos ko!!!"...dali dali syang umuwi, nakita nya ang kanyang kapatid na si Boyet, duguan, laslas ang dibdib...may nakita syang anino na papalayo, sinundan nya ito. Sugatan na ang paa ni Sonia sa kakahabol, nap...

Iisa lang

Image
Iisa lang Iisa lang ang langit na natatanaw Iisa lang ang sumisikat na araw Ang init na dampi nito sa aking katawan Ay sya mo ring nararamdaman Iisa lang ang buwan pagsapit ng gabi Na nagbibigay liwanag kung san ka namamalagi Mga tala sa langit na di mabilang Iginuguhit ang iyong larawan Iisa lang ang mundong ginagalawan Iisa lang ang hangin na hinihingahan Ngunit may isa akong katanungan Iisa rin kaya ang ating nararamdaman?

Sa kamote sasablay :)

Image

Si Melinda

Image
Tanghali na ng magising si Melinda, isang kinse anyos na may katamaran. Naiwan syang nagiisa sa bahay, matapos syang gisingin ng makailang beses ng kanyang nanay, dahil dadalawin nila ang tyuhin nyang may sakit sa Tarlac, napagod na ang nanay nya kaya nagdisisyon na iwan na lang sya. Medyo naalimpungatan at nagtaka bakit sya iniwan, hanggang sa naalala nya ang sinabi nya kanina na, "kayo na lang ang umalis, inaantok pa ako". Lumaki si Melinda na mapag-isa, may kapatid syang lalaki na mas bata sa kanya. Tindera sa palengke ang nanay nya, at may lasengong ama. Wala syang magawa nung araw na yon, kaya naisipan nyang maghalungkat ng mga lumang litrato..."hmm, nakakatuwa naman ang mga ito, panahon pa yata ito ng giyera"...pero may napansin syang kakaiba, wala syang makitang litrato nung sya ay baby pa... "hmm, bakit ang kapatid ko meron, hindi ba ako bininyagan?"...sige pa sya sa halungkat, hanggang sa makita nya ang lumang sulat ng isang babae at tumata...

Mabuto pero matamis...

Image
Salamat sa kapitbahay namin, libre ang bayabas...sabi nila kapag makinis at makintab na ang balat, pwede na ito kainin. Hindi mo aakalain na sa kinis ng balat nya e puro buto pala ang loob, minsan pa nga kabag malambot na ito e siguradong may uod pang kasama. Alam nyo ba ba kung papano nakakapanlinlang ang labas na kaanyuan? Maraming naglipana sa atin ang napakahusay at napakaganda sa panlabas na anyo pero burak naman ang kalooban. Marami din ang kinaiinggitan dahil napakasagana nila sa buhay pero di mo akalain na napakagulo pala ng buhay nila...hmm...pero para sa akin ang bayabas ay tulad ng buhay, mas gugustuhin mong puro balat na lang at wala na sanang buto, wala sanang uod na parang unti unti kang kinakain. Pero alam nyo ba na ang buto ang matamis na parte ng bayabas? sa buhay natin para itong problema na laging nakakabit sa mga balat natin, na kapag wala ito, wala tayong matututunan at hindi rin tayo tatatag. Kahit minsan na punong puno tayo ng "buto" sa buhay natin...

Minsang ipinikit ang mata...

Image
Minsang ipinikit ang mga mata, hindi para mag-isip, kundi para bigyan ng kulay ang kapaligiran. Minsang ipinikit ang mata hindi para mag-isip, kundi para makita ang di tanaw ng nakamulat na mata. Minsang ipinikit ang mata, hindi para mag-isip, kundi para makapiling ang mga mahal na wala na. Minsang ipinikit ang mga mata, hindi para mag-isip, kundi para marating ang nais puntahan. Minsang ipinikit ang mata, hindi para mag-isip, kundi para maramdaman ang ginhawa na dulot ng buhay. Minsang ipinikit ang mata, para mag-isip, kung kelan tuluyang ipipikit yaring aking mga mata.

Trabaho lang, walang okrayan :D

Image

May isang Ina...

Image
May isang ina, tawagin natin syang Lu, at ang anak nyang babae na si Maria... Mahal na mahal ni Lu ang anak nyang si Maria, palibhasa panganay ito. Lagi nyang dinadala si Maria sa doktor, sa katunayan nga e, buwan buwan nya tong pinatitignan. Wala namang sakit si Maria, pero gusto nya to alagaan ng husto. Binibigyan nya si Maria ng dekalidad na bitamina at masusustansyang pagkain. Sa gabi bago matulog kinukwentuhan ni Lu si Maria at kinakantahan pa nga nya ito. Maraming pangarap si Lu sa anak nya, gusto nya itong lumaki ng malusog at maging masaya. Medyo malikot si Maria, isang araw nga dahil sa kalikutan nito, pareho silang nadulas sa banyo, pero ok lang naman. Habang lumalaki si Maria, lalo syang napapamahal kay Lu, binibilan pa sya ng magagandang damit at laruan. Pero isang araw, itinakbo sya ni Maria sa hospital, di na sya gumalaw at di na rin tumitibok ang puso nya. Sa sobrang pagkabigla, halos di makakibo si Lu sa nangyari. Di nya alam kung ano nangyari, sa katunayan si...

Sakay tayo sa bus :)

Image
Ito ang bus na kung tawagin ay JD transit. Paborito ko tong sakyan nung nagaaral pa ako sa MCU sa Caloocan. Medyo mabagal nga lang, pero pakiramdam ko safe ako sa bus na to, na gawa sa lawanit! hahahaha...pag umuulan at nagsara ka ng bintana, sooooobrang init!!!! At ung mga uniform ng mga kundoktora ay kulay pink na super tigas kasi laging naka-almirol, bawal daw magusot. Pag umuuwi ako galing sa MCU, humihinto sila sa may bagong barrio yata un para magpacheck ng ticket. Tigas pa ng upuan! hahahaha... Ito naman ang love bus, wow sosyal to kasi aircon, di ka pagpapawisan, Kaya love bus ang tawag dito kasi puro dalawahan lang ang upuan, at malambot syempre. Nakalimutan ko na kung san ang byahe nito, pero sa pagkakatanda ko dumadaan to ng espanya e, pero ewan ko lang ha, basta nakakarating to sa AliMall, wow hahahahaha!...tsaka nakalimutan ko na din kung sino kasama kong sumasakay dito...hehe....kaya lang nung naluma na, ginamit na service ng MMDA. :( Ito pa mas sos...

Isang maulan na araw

Image
Maaga pa lang lumabas na sya ng bahay, sa sobrang pagkabagot at pagkainis. Dala nya lang e payong na pula, dahil maulan, actually malakas ang ulan. Wala syang pakialam kung ano pa ang suot nya, basta makaalis lang, kaso wala naman syang dalang pera, san naman sya makakarating, "hai bahala na!" yan ang sabi nya, basta kahit isang araw man lang makawala sya sa sobrang pagod sa buhay nya. Palipat lipat na sya ng bus at jeep, hanggang sa maisipan nya sumakay ng MRT, kasi di talaga nya alam kung saan sya pupunta. Palinga-linga sa loob ng tren, nang biglang nag-iba ang tingin nya sa paligid, parang lumabo lahat ng nasa paligid nya at may humaltak sa kamay nya, Itinakbo sya nito habang ang paligid ay nagmukang hardin ng palasyo, isang malawak na hardin na halos di mo matanaw ang dulo nito. Nag-umpisang lumiwanag at sumikat ang araw, pero nakahawak pa rin sa kamay nya ang taong humaltak sa kanya. Tinignan nya to at kinilala..."sino ka ba?, kilala  ba kita?"...Tinitiga...

Lalaki...sino? ako?!

Image
Kung mamatay ako at mabibigyan ng pagkakataon na mabuhay ulit, gusto ko sanang maging isang lalaki, ung tunay na lalaki ha. Pakiramdam ko kasi mas lalaki pa ako sa mga lalaki! hahahaha..lalaking iyakin!. Napatunayan ko na yan, hindi biro lang...sa totoo lang mahirap maging isang babae, opinyon ko lang naman yan. Para sa akin nahirapan ako dahil babae ako, sana ginawa na lang Nya akong lalaki... Nagtataka kasi ako kung bakit ako babae, tapos ipapagawa lang pala sa akin ang papel ng isang lalaki. Ung dadamdamin ko babae, pero kailangan ng tapang at tatag ng tulad ng sa lalaki. Utak daw ang pairalin at tigasan ang puso, palakasin ang mga braso at tibayan ang paninindigan...bumuhay ng pamilya at ibigay lahat ang lakas mo sa mga bagay na magpapatatag sa kanila. Nakakainggit sila!..ha ano daw?!...huh! kanino? hehe joke lang...wala naman dapat kaiinggitan...minsan pinagmamalaki ko pa na para akong lalaki...nakasanayan ko na yan...sanay na ako, kaya sana lalaki na lang ako...di ko kail...

Ngiti lang... :)

Image
Alam nyo ba na maraming benipisyo ang pag ngiti? Una gaganda ka, muunat ang mga balat mo, at magmumukha kang bata, mukha ha, at di ang isip. Di rin matatakot ang mga tao sa yo, di tulad ng pag nakasimangot ka, di ka malapitan kala nila kakainin mo sila ng buhay. Nakakatanggal din ito ng stress, pag stress ka, nakikita kaya un sa mukha mo, para kang nilamukos na papel, pag nag smile ka kahit papano mababawasan stress mo di ba?. Ngumiti lang tayo kasi nakaka-boosts din ng immune system, masaya ka na iwas ka pa sa sipon at ubo...totoo yan, ang pag smile ay nakakapag release ng endorphins at natural pain killer, imagine natural drug pala ang pag ngiti di kailangan ng reseta.  Di naman nakakapagod ang pag ngiti, ewan ko lang ung mga adik magpa picture, he-he...Ang ganda siguro kung ang lahat ng makakaharap mo e nakangiti sa yo, tanggal ang problema, at pagod mo, di ba? Kaya wag natin kalimutang ngumiti, kahit di perpekto ang buhay, maraming mali at problema...makakapagbigay pa tayo...