Nang Makapulot Ako Ng Wallet

Nakapulot ako ng wallet habang naglalakad pauwi. Kanino kaya ito?, dinukot siguro ito at hinagis na lang basta sa daan pagkakuha ng pera. Binuksan ko at bumungad sa akin ang isang family picture na naninilaw na sa kalumaan. Hay pagod na ako, mabuti naman at malapit na ang bahay ko. Pagpasok ko direcho agad sa kwarto at inilatag ko sa higaan ko lahat ng laman ng wallet. gusto kong ibalik ang wallet na ito sa may-ari. Hay ang daming laman na kung ano-ano, palagay ko sya itong tatay sa family picture, 1972 pa ang nakasulat sa likod ng litrato. May baby picture, may dedication sa likod galing sa apo nya. Balat ng Juicy fruit, palagay ko ito ang nginuya-nguya nya habang ipinanganganak ang panganay nya. isang lukot na resibo ng flower shop, bulaklak para siguro sa anibersaryo ng kasal nila ng misis nya. Isang driver license na kaka-expired lang. Para akong tumitingin ng mga memorabilya, isang museo ng buhay. napag-isip tuloy ako, wala kasi akong wallet, ang mga ID at cards ko ay nakatali...