Ang sulat

Nakatanggap ng sulat si Elena, galing ito kay Miguel. Isang sulat na nagpaluha at nagpangiti sa kanya. Si Elena ay isang simpleng babae na taga probinsya ng Batag. Nagkakilala sila ni Miguel sa simbahan, nagpamisa kasi ang mga kaanak ni Elena doon dahil araw ng kamatayan ng kanyang tyuhin. Mabait si Miguel kaya madaling napalapit sa kanya si Elena. dito nagsimula ang kanilang pag-iibigan. Madalas syang dalawin ni Elena at nagdadala pa ito ng prutas, minsan naman ay ulam. Madalas din silang magpupunta sa burol pagsapit ng dilim. malayo sa mga mata ng taong bayan. Kwentuhan, tawanan at minsan katahimikan...magkahawak ang mga kamay at minsan kapag hinalikan ni Elena si miguel sa pisngi, tanging mahigpit na yakap lang ang tugon sa kanya ni Miguel. Ang relasyon nilang dalawa ay isang lihim, ngunit isang gabi, may nakakita sa kanila habang sila ay naglalakad ng sabay patungong burol. Mabilis kumalat ang mga usapan, na kadalasan ay may mga dagdag na, maraming kasing tsismosa...hmmm l...