Tanghali na ng magising si Melinda, isang kinse anyos na may katamaran. Naiwan syang nagiisa sa bahay, matapos syang gisingin ng makailang beses ng kanyang nanay, dahil dadalawin nila ang tyuhin nyang may sakit sa Tarlac, napagod na ang nanay nya kaya nagdisisyon na iwan na lang sya. Medyo naalimpungatan at nagtaka bakit sya iniwan, hanggang sa naalala nya ang sinabi nya kanina na, "kayo na lang ang umalis, inaantok pa ako". Lumaki si Melinda na mapag-isa, may kapatid syang lalaki na mas bata sa kanya. Tindera sa palengke ang nanay nya, at may lasengong ama. Wala syang magawa nung araw na yon, kaya naisipan nyang maghalungkat ng mga lumang litrato..."hmm, nakakatuwa naman ang mga ito, panahon pa yata ito ng giyera"...pero may napansin syang kakaiba, wala syang makitang litrato nung sya ay baby pa... "hmm, bakit ang kapatid ko meron, hindi ba ako bininyagan?"...sige pa sya sa halungkat, hanggang sa makita nya ang lumang sulat ng isang babae at tumata...