Posts

Image
Ipiring ang mata Upang di kita makita Manatili ang diwa Sa panaginip mag-isa Ikulong ang puso Sa metal, kung saan Tibok di umalingawngaw Na ang sigaw ay IKAW... -gmc  :)

Masarap ba ang may hinihintay?

Image
Masarap ba ang may hinihintay? masarap ba ang may inaabangan?. Tulad ng sweldo na hinihintay kapag kinsenas at katapusan. Tulad ng weeekends kung saan pwede kang mamasyal o magpahinga sa nakakapagod na weekdays. Tulad ng paghihintay mo sa mga kaibigan o kapamilya na nawalay ng matagal tagal na panahon... Masarap, na malungkot, na masakit...yan ang paghihintay sa akin. Masarap.... kasi kahit papano may trabaho ako, kahit di regular, may hinihintay akong bayad. Malungkot... kasi minsan may mga bagay na hinhintay mong may magandang balita na sana, pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Masakit... kasi may hinhintay ka na alam mong wala na talaga pero hinihintay at inaabangan mo pa rin, pangako na alam kong napako na. Sa buhay natin marami kang hinihintay na mangyayari, pero di lahat naaayon sa gusto mo, kahit na ginawa mo na ang lahat wala pa din. Pero malay naman natin baka nahihiya lang ang kapalaran, kaya nagpapahintay sya :).  Ikaw? ...masarap ba maghintay? :)
Image
"Mahal Kita Emma"  by Nogie Malakas ang ulan at hangin, inabot na si Emma sa daan. Si Emma ay isang call center agent, kaya gabi na sya umaalis ng bahay para pumasok sa opisina. Nagkataon na may bagyo ng gabing yun, pero kailangan pa rin nyang pumasok. Habang naglalakad sa kasagsagan ng malakas na bagyo, at halos baha na ang nilalakaran nya, may biglang tumawag ng pangalan nya sa may likuran nya....."Emma!!!" ....napalingon sya pero sa lakas ng ulan di nya maaninag kung sino. Napahinto sya sa paglalakad para tignan kung sino, pero bigla naman itong nawala.  Di na nya ito pinansin at naglakad na ulit. Tumayo sya may kanto kung san sya nag-aabang palagi ng masasakyan... naghintay....naghintay ng naghintay pero walang dumadating na sasakyan. Napaisip sya kung uuwi na lang ba sya, nang biglang may tumabing lalaki sa kanya at ang sabi ..."Pambihira! Emma naman, pag di mo ko pinansin?, may gusto lang akong sabihin". Nagulat si Emma, nagtaka kung sino ang

"Sana bukas na"

Image
Pinagmamasdan ang relo na nakasabit sa dingding, sabay tingin sa relo sa kamay.... tik tak tik tak lumilipas ang oras na tila walang nangyayari. Kumikilos ang katawan na tila wala namang natatapos. Naglalakad ang mga paa pero wala namang nararating. Kumukumpas ang kamay pero tila nakagapos. May taong nakapaligid pero tila nagiisa... Masaya pero tila walang saysay, katahimikang nakakabingi, ingay na nakakatulala. Nakaraang pinalampas mo na nais mong balikan, kinabukasan na pilit hinahabol pero di maabutan. Nabubuhay sa kawalan, at isip ay lumulutang. Gusto mong gumalaw, kumilos ayon sa gusto mo, gusto mong gawin ang nakakasaya sa iyo, maging malaya sa lahat ng pagkakataon. Lumipad na parang ibon...lumipad ng lumipad... Darating ba ang pag-asa na hinihintay mo? Maipapaliwanag ba ang lahat ng nangyayari sa iyo? May rason ba sa lahat ng ito? Ito'y mga pakiramdam na hindi pwedeng ipaliwanag, mahirap intindihin dahil walang dapat intindihin. Ang kalungkutan ay pakiramdam lamang...

Alikabok ng kahapon

Image

Nang Makapulot Ako Ng Wallet

Image
Nakapulot ako ng wallet habang naglalakad pauwi. Kanino kaya ito?, dinukot siguro ito at hinagis na lang basta sa daan pagkakuha ng pera. Binuksan ko at bumungad sa akin ang isang family picture na naninilaw na sa kalumaan. Hay pagod na ako, mabuti naman at malapit na ang bahay ko. Pagpasok ko direcho agad sa kwarto at inilatag ko sa higaan ko lahat ng laman ng wallet. gusto kong ibalik ang wallet na ito sa may-ari. Hay ang daming laman na kung ano-ano, palagay ko sya itong tatay sa family picture, 1972 pa ang nakasulat sa likod ng litrato. May baby picture, may dedication sa likod galing sa apo nya. Balat ng Juicy fruit, palagay ko ito ang nginuya-nguya nya habang ipinanganganak ang panganay nya. isang lukot na resibo ng flower shop, bulaklak para siguro sa anibersaryo ng kasal nila ng misis nya. Isang driver license na kaka-expired lang. Para akong tumitingin ng mga memorabilya, isang museo ng buhay. napag-isip tuloy ako, wala kasi akong wallet, ang mga ID at cards ko ay nakatali

Ang Mundo

Image
Tanghali na at tirik na tirik ang araw, pero nakikita ko pa ang buwan, palibhasa walang ulap. naiisip ko lang kung may taong nabubuhay dun, baka biglang kumaway sa akin at ayain akong magpunta doon. At parang isang mahika na hilahin nya akong paakyat sa langit...lumipad...at matanaw ko naman ang mundo natin sa kakaibang perspektibo. Ano kaya ang itsura ng mundo kapag nasa buwan na ako? Ang mundong kinikilusan ko sa bawat segundo ng buhay ko. ang mundong bumuhay sa akin. Ang mundong sumisira din sa akin. Minsan na akong bumuo ng sarili kong mundo, simple pero masaya. Tahimik pero puno ng buhay. Nakakapagtaka na tila nagunaw ito sa isang iglap. Isang kisap mata, naglaho ito na parang bula. Gusto kong matanaw ito mula sa buwan, baka sakaling makita ko ito ulit. Nakakalungkot, di ko man lang napansin ang pag-guho nito. Masarap sigurong tumanaw galing sa buwan, makikita ko mula dito ang  mundo ng nakararami, isang mundong magulo...mundong di mo mapaliwanag kung ano ba talaga ang guston